MANHID:Chapter 6

986 16 1
                                    

Manhid

©2013/supladongtorpe09

Good morning everyone. I am Efraim Renz Benedicto. 15. My bestfriends calls me Efren.

Many people told me that I am spoiled but I think they were wrong.  Yeah., they are right. I almost get all what I want pero lahat ng yun ay pinaghirapan ko.

Gusto ko kasing mafeel ang worth ng isang bagay na talagang pinaghirapan. Yung feeling na talagang ginawa mo ang lahat ng best mo para makuha yun.

And now my dear friends, I am proud to say to you that I am now with  the girl of my life. The reason of my existence, Miss Kathrine Yahrihmaj dela Cruz.

Alam nyo namang hindi naging madali ang lahat ang lahat mapa-oo ko lang siya.  Talagang pinaghirapan kong makuha ang puso nya kasi mahal na mahal ko siya.

Ganun naman talaga kapag mahal mo ang isang tao. Kahit na alam mong mahirap talagang kakayanin mo ang lahat mapasakamay mo lang siya.

Shit naman!! Yung puso ko.. Pwede nang isama sa karekare.. Dugong-dugo na! huhuhuh.. 

Tameme lang ako dito sa kinauupuan ko. Nakayuko naman si Kathrine kasi alam niyang siya ang tinutukoy ng makahat na nasa unahan este si Efren pala.

Hindi ko alam ang reaction nya kasi naiilang akong tumingin sa kanya at isa pa, natatakpan ng buhok ang mukha nya.

Sa bawat salita naman na binibitawan ng bakulaw sa unahan, este.. basta yun na yun., eh para akong kinakabag na maiihi na mauutot. Di ko kasi maipaliwanag ang naraamdaman ko. Basta sa mga oras na ito, sumisikip ang dibdib ko at parang tinutusuk-tusok ng pako yung puso ko.

Medyo nagpanting naman ang tenga ko sa sinabi niyang pinaghirapan niyang makuha si Kathrine  when in fact, ako naman talaga ang naging tulay nila.

Ang tanga-tanga ko nu? Bakit ba kasi pumayag pa ako na maging nautical highway para mapunta sa kamay ng iba ang babaeng pinakamamahal ko?

Nakakainis!

Pwede ba ibaon nyo na ako sa lupa? Ipatapon sa Iraq o kaya ay sa Pacific Ocean?

O kaya ay ihulog sa eroplano papuntang Australia para ipakain sa mga kangaroo!

Sus! di naman ata kumakain ng tao ang kangaroo di ba?

Basta okay lang kung saan nyo ako dalhin o kung ano ang gawin nyo sakin basta para mapalayo sa lugar na ito na puro sakit na lang ang nararamdaman ko!

Hayyy. Drama ng lovelife ko.. Wala eh. Torpe ako  huhuhuh

Bigla naman akong natauhan nang mapansin kong tumingin sa akin si Insan Ian at tinanong kung buhay pa ba ako..

Hahhah pinagtawanan pa talaga ako ng loko. Mamamatay na nga lang ako pinagtatawanan pa.

Nagpeace sign naman siya at nagpogi sign pa.

Sus! Sa halip na mag aja sign nagpacute pa talaga ang loko. Pinagtawanan tuloy ng mga babaeng nakakita sa kanya. Isama n natin si Martin na nilalaway na sa kaniya.

Nagpatuloy naman sa pagsasalita ang anak ng hoodlum sa harap.

Hahah.. sorry kung bitter aq ngaun.. di ko mapigilan eh. Sorry!!

Natatandaan ko pa noon nung bata pa ako, lagi kong nakikita ang isang batang babaeng maganda na umiiyak sa ilalim ng punong acacia sa harap ng canteen.

Gulo-gulo ang buhok nya na para bang kakagaling lang sa paglalaro. Himahagulgol siya nung mga araw na yun na para bang wala nang bukas.

Ilang saglit naman ay lalapit sa kanya ang isang  batang lalaking pawis na pawis at may pulang panyo sa kaniyang bulsa. Ewan ko kung pamahid nya iyon ng kaniyang pawis o sipon.

Ha? Parang kilala ko ang tinutukoy nya ah.. Batang babaeng umiiyak sa punong acacia? Batang lalaking may pulang panyo sa bulsa?

Eh ako at si Kathrine yun eh. Grabe naman. Nakuha pa akong ibuking n pamahid ko ng sipon yung panyo ko?

Shit naman! Sumusobra ka nang chihuahua ka! Tama na ang kakahatan! Baka maging lukban k ja niyan.. hahahah.

Natutuwa akong panoorin ang dalawang batang iyon kasi parang ang sweet nilang tingnan kahit mga bata pa sila.

Sinusubukan siyang patahanin ng batang cute na lalaki para icomfort.

Yes! Finally! Cute daw aq! ahahah buti naman bumawi ka! Ipapasalvage na sana kita kay Ilong Ranger mamaya eh. ahahah..

Kumakanta ang batang lalaki ng mataas na mataas na nagkakandapiyok na at nakakarinding pakinggan kasi nga sintunado. Pero hindi man lNg nagreact ang batang babae.

Ano raw?!! Mali ka sa inisip mong adik ka! Sinadya ko yun para magpatawa sa kanya. Eh kaboses ko nga si Adam Levine eh. Gusto mo sampolan pa kita eh. Tingnan natin kung sino ang sintunado.

Sasayaw naman ang batang lalaki Asereje, at Chacha ng sabay pero wala pa rin.

Hirap kaya nun. Try mo. Pagkontra ko sa isip ko.

Sa ilang saglit lang ay biglang tatahimik ang batang lalaki at mag-iisip. Masaya naman siyang tatakbo papalayo at babalik na may dala dalang kulay pink na gumamela.

MANHID Where stories live. Discover now