Manhid: Chapter 1

3.2K 36 24
                                    

Manhid

©supladongtorpe09

Mahal mo ba siya pare?

Oo matagal na. Kinder pa lang kami mahal ko na siya. Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa kaniya eh napakatalino, maganda, mabait at maalaga. Parang nasa kanya na nga lahat eh. Kulang na lang yung puso ko mapasa kaniya na rin.

Pre relax... Tinatanong ko lang. Hindi ko sinabing magnarrate ka..

Eh kasi naman pre nahihirapan na ako eh. Sakal na sakal na ako.

Akala mo ba madali lang yung ginagawa kong pagpapanggap na masaya at baliwala lang sa akin kapag  kapag nakikita ko silang masaya? Yung bawat ngiti nila at tawanan kalungkutan yun para sakin. It hurts and it killa me pre.

Kulang na lang maglaslas ako sa harap nila eh!

Naku mahirap talaga yan Enzo. Lalo na't mahal na mahal mo siya.

Yun nga eh at higit pa sa buhay ko. Lahat ng bagay ibibigay ko sa kanya. Kahit ikapahamak ko pa yan.

Kahit magpakatanga ako gagawin ko yun para lang sa kaniya. Pero pre wala eh. Kasi ang manhid manhid nya. Ni hindi man lang niya nakikita yung effort ko.

Manhid ba talaga siya o wala kang talaga siyang nararamdaman para sayo?

Hay naku! Nandiyan ka na naman Ian eh. Mahal nya ako. Kasi alam mo yun, bago maging sila ni bespren Efren eh sinabi nya sa akin na huwag daw akong magmamahal ng iba.

Ha?! Ano yun? Hindi ikaw ang pinili nyang mahalin pero ayaw nyang magmahal ka? Ano yun lokohan? Naku pre mahirap yang pinasukan mo! Ikaw ang talo diyan.

Para bang kung sa inverted triangle eh ikaw yung nasa ibaba at sina Efren at Kathrine ang nasa itaas. Since ikaw yung nasa ilalim ikaw ang mas masasaktan kasi pwedeng maging tagasalo ka ng sakit na pinagdadaanan nung dalawa.

Bahala na pre. Bestfriend ko kasi ang dalawang yun. Pero ngayong kailangan ko talagang magparaya at wala na talagang magagawa, handa akong masaktan para sa kaligayahan ng dalawa. Siguro kung talagang magiging masaya sila eh magiging masaya na rin ako para sa kanila. Saka san mo ba hinugot ang painverted invertes triangle na yan ha? Hahaaha ang lalim pre. Hindi bagay sayo!

Sus ako pa? Eh editor in chief ako ng school gazette namin last year. hahahah. Nakuha mo pang magbiro eh complicated na nga yang sitwasyon mo.

Pero paano nga kung totoo yung kutob mo na mahal ka nga ni Kathrine pero narealize nya yun kung kailang may mahal ka na?

Iiwan ko yung girl Ian. Ganun ko kamahal si Kathrine.

Ulol ka pre! Kawawa naman yun kung sino man yun. Tiyak maglalalaslas yun pag iniwan mo.

Bahala na pre. Basta sa ngayon. Hangga't alam kong andito kami at magkakasama pa rin, mamahalin ko pa rin siya kahit palihim. Hangga't kaya kong itago ang nararamdaman ko gagawin ko. Kahit deep inside eh nahihirapan na ako kakayanin ko makita ko lang siya.

Sus! Para ka namang pamangkin niyan ni MARTIR Nievera eh. ahahah... Siya tara na nga. Andrama drama mo. Nahahawa ako sa mga kakornihan mo. hahah.

Tsk. Sige na ako na ang emotero.

Oh ano pang hinihintay mo diyan? Tumayo ka na at malilate pa tayo. Terror yung magiging adviser natin na filipino teacher.

Oo alam ko yun. Hindi mo na kailangan pang sabihin sakin. Ikaw kaya ang transferee. hahahha

Habang naglalakad patungong classroom ay medyo gumaan gaan ang pakiramdam ko sa advice sa akin ng new bestfriend/pinsan ko na si Ian. Malawak kasi ang pag-iisip kasi sabi nga niya e-i-c siya ng school gazette nila. Eh di siya na. Hahah. pero lahat ng sinabi nya nasapul ako. Magaling talagang mag advice ang loko lokong yun.

Maya maya lang nakita naming sabay na pumasok sina Efren at Kathrine  habang magkahawak ang kamay.  Tsk! laglag na naman ang panga ko pati ung puso ko. Simula kasi nang maging sila eh naging "medyo" malamig na ang pakikitungo na sa akin. Ewan ko ba sa kanila. Bestfriends daw eh bakit ganito ang ginagawa nila? Sinasaktan nila ako ng pLihim. Well hindi na rin naman nila kasalanan yun kasi they dont even know what i feel.

Kung ano yung nararamdaman ko ako at si Ian na lang ang nakakaalam nun.

At honestly, hanggang ngayon hindi pa rin ako makamove on sa nangyari...


...flashback...

MANHID Where stories live. Discover now