MANHID: Chapter 8

939 16 3
                                    

Hui yabang!! Bumalik ka dito!!

Ahaha. natatawa-tawa ko siyang iniwan dun. Sinady ko para  makapag-isip-isip din siya...

Kung noon nagawa mo siyang iwan wag naman sana ngayon kundi babalatan kita ng buhay kahit bestfriend kita. Wag mong sasaktang ang mahal ko kung ayaw mong makarating sa Iraq. hahahah. pambabara ko sa isip ko. Eh sino ba naman ang hindi? Ikaw kaya ang mapunta sa puwesto ko tapos makikinig ka sa mga kayabangan ng karibal mo. hayyy hirap di ba? tapos katabi ko pa sila. tsk.

Tumikhim muna ang bipolar saka nagpatuloy.

Another day has come. Same place pa rin. Pagkatapos na pagkatapos ng klase ko ay pumunta agad ako sa lugar na lagi niyang pinupuntahan pero wala pa siya dun.

Umupo muna ako sa damuhan tulad ng ginagawa niya at nagpahinga.

Maya- maya lang ay natanaw ko na siya. Tumatakbo papalapit sa kinatatayuan ko kung kaya't parang tigidig ang paghinga niya. hahhah.. Ang cute talaga niya kahit gulu-gulo ang buhok niya.

Huy yabang! Sige na! Pumapayag na ako sa gusto mo. Friends na tayo, pwede mo na akong samahan dito sa tuwing naghihintay ako ng sundo ko at sige sige, oo na, bestfriends na tayo. mahaba niyang litanya.

Hahahha. nagmamadali ka ata. Bakit ang bilis? ahahahh

Sige na! Pumapayag na nga ako di ba? Kaya akin na yung kwintas ko! Magagalit sa akin yung bestfriend ko pag nawala yan.

Hindi naman to mawawala sa akin. Pogi ako eh. hahah..

Ang yabang yabang mo talaga! Oo na pogi ka na.. Ikaw na ang pinakapogi sa buong mundo. Okay na ba? Makukuha ko na  ba ang kwintas ko?

Parang gusto ko yung way nya sa pagsasabi nun ah. hahaa..

Ah.. ulitin mo nga yung sinabi mo?

Ikaw ang pinKamayabang na nilalang sa buong mundo.

Ahaha hindi yan.. Yung isa.. ahahah.

Hmppp. Sige na nga.. Ikaw ang pinakapogi pero pinakamayabang na lalaki sa buong mundo!! Okay na ba ha? Pwede akin na ang kwintas ko? 

Sarcastic nyang sabi.

Hmmm.. Sa pagsasabi mo na ako ang pinakapogi, convinced ako dun Aminado ka naman na guwapo talaga ako. pero yung sa pagiging bestfriend mo , ang bilis kasi eh. Parang hindi ako convinced. Kelan lang tayo nagkakilala tapos bestfriends na agad tayo? Ayaw ko nun..

Di ba yan naman ang gusto mo? Ihinibigay ko na nga sayo pakipot ka pa!

Ahaahha.. Nakakatawa ka talaga tapos ang cute mo kapag nakangiti. Ang sarap mong asarin. hahaha..

Alam mo ba ang ibig sabihin ng kayabangan?? Kung hindi mo alam yun tanungin ko ang sarili mo.

Ahahaha..Sumasakit na talaga ang tiyan ko kakatawa. Sapo ko na ang tiyan ko at parang maiihi na sa PE uniform ko. haahah.

Ahmm ang bilis kasi. Matagal na proseso bago  mo masabing bestfriend mo ang isang tao. Dapat kilala mo siya talaga.

Eh ano ba ang gusto mong mayabang ka? Tsk. Nakakaiyamot ka na kaya.

Panira ka ng araw.

Okay okay...  Ganito, bukod sa tatlo kong conditions, dadagdagan ko pa yun ng isa para mapabilis ang pagbalik ko sayo ng kwintas mo.

Ha? Ang daya daya mo talaga. Napakayabang mo pa!

Pogi naman. hahaha. Sige, mapapadali ang pagbalik ko sayo ng kwintas na ito kung araw araw, kapag makikita mo ako, magkakasalubong o kaya naman ay tatawagin, ang itatawag mo na sa akin ay "Ang pinakapogi at pinakapoging pogi sa buong mundo!"

Ahahah. pagkarinig nya nun ay halos lumapat ang panga nya sa lupa. Nanlaki ang mga mata nya at maya maya lang ay humagalpak ng tawa.

Naramdaman ko naman na parang may malagkit na tubig na pumatak sa ulo ko. Hindi naman umuulan nung araw na yun eh..

Pagkatingin ko sa kaniya, nagpagulung-gulong na siya sa damuhan at aakalain mong napopossess sa itsura nya.

Nagtataka naman akong nagtanong sa kanya at tumikhim.

Ehem! Hui bakit ka tumatawa diyan? Umayos ka nga! para kang baliw eh. Alam mo ba yun?

Ahahah.. sino kaya ang baliw sa atin ngayon? Ahaha.. Tingnan mo nga kung ano ang nasa ulo mo!

Paano ko yun makikita eh wala naman akong mata sa taas ng ulo ko eh.

Sus! Kahit kelan talaga ang yabang yabang mo.

Eh di sumasawsaw ka tapos amuyin mo. ahahah

Ginawa ko naman ang sinabi niya. Pumikit.

Inamoy ko na nandidiri.


At sa ilang segundo  lang pagkamulat ng mata ko ay...

Waaaahhhhh!!! Ipot ng iboooooonnn!!! Mommyyyyy!!! Waaahhhh!!

Aahahahh.. Tawa lang siya nang tawa nun na parang wala nang bukas. Parang nanunuod ng cartoon kung saan nanliligaw si Spongebob kay Dora. aaahhha.. Napakamalas ko lang talaga nung araw na yun pero salamat na rin dahil yun ang naging simula ng closeness namin.

Pagkatapos nuna humihingal siyang umupo sa damuhan at ngingiti-ngiting tumitingin sa akin. Maya maya lang ay natanaw naman ang salaring ibon na masayang humuni bago tuluyang nakalayo.

Huy pinakapogi at pinakapoging pogi sa buong mundo na naiputan ng ibon, okay ka na ba? hahahah.

Sa tingin mo okay ako? Ikaw kaya ang maiputan sa ulo hindi ka kaya mandiri? sarkastiko kong sabi.

Hahah. easy lang.. Lalong bumabaho ang ipot kapag nayayamot.

Huy poging mayabang maghugas ka na nga. Ang baho baho mo na eh..

Sabi ko nga di ba? Aalis na ako at hindi lang maghuhugas ng ulo. Magliligo ako para bukas paggising ko, pogi pa rin ako.

Alam mo ikaw kahit ganyan na yang sitwasyon mo, ang yabang mo pa rin!!

Ahahah... pogi ako eh. ahaha.. Sige na.. aalis na ako. Kinakawayan na ako ni Mommy oh. sabay nguso sa sasakyan namin.

Hah? Mommy mo yun? Yung principal na may-ari rin ng school?

Oo.. Bye.. Salamat sa time at sa pagtawa mo sa nangyari sakin nang wagas. hehehehe..

Sige bye.. Bye pinakapogi at pinakapoging pogi sa buong mundo! hahahha..

Bago ako tuluyang umalis, binhelatan ko siya sabay pogi sign. hahha naiyamot na naman ang cute na babaeng yun..

Habang nagsesermon ang pari sa unahan este si Efren pala, ay tahimik lang na nakikinig ang lahat. Natatawa rin lalo na nung naiputan siya ng ibon. ahahah buti nga sa kanya. Dapat hindi lang ipot ang lumGpak sa kanya eh. Dapat meteor na. hahhah.. joke!

MANHID Where stories live. Discover now