MANHID: Chapter 2

1.8K 26 24
                                    

Manhid

©supladongtorpe09

Oo Efren tutulungan kita kay Kathrine. Ikaw pa? Bestfriend kita eh.

Sabi mo yan ha. Wala nang bawian.

Yun ang araw na magsabihan kami ng lovelife namin. Naunahan niya akong magsabi at nagkataong iisa lang ang babaeng minamahal namin. Since bestfriend ko siya at ayaw kong masira yun, nagpaubaya na lang ako para sa kanya. Kahit deep inside eh parang sumisigaw at tumututol ang puso't isip ko. Mali ang ginawa ko. Mali ang naging desisyon ko pero wala na akong nagawa kundi ang pNindigan yun.

Oo. Ako ang magiging tulay mo sa kanya.

Salamat talaga tol. Hulog ka talaga ng langit!

Spoiled at rich kid si Efren. Lahat ng bagay na gusto nya ay paniguradong makukuha nya. Ang pamilya nya ang nagmamay-ari ng school na pinapasukan namin kung saan nakuha kaming scholar ni Kathrine.

Mayroon sikang business sa States na pinapatakbo ng Dad niya samantLang Doktora naman ang Mom nya. Ang lahat ay nasa kaniya na pero bakit ang pinakamamahal ko ay mapupunta rin sa kanya? Si Kathrine na lang ang mayroon ako pero bakit magkakaganito pa.

Nasasaktan ako. Sa tuwing napapasaya ni Efren si Kathrine (na ako naman ang dahilan o gumawa ng bagay na yun) sobrang sakit ng nararamdaman ko.

Gumawa ako ng mga love letters at tula na ibibigay ni Efren kay Katrine.

Maaga laging pumapasok para palihim na makapaglagay ng red  roses sa cabinet/drawer ni Kathrine.

Sinamahan si Efren na haranahin si Kathrine sa buong campus last Valentines Day.

Nagpaubaya na hindi maging Romeo at Ibarra para sila ang maging magkapareha.

Umabsent nung JS Prom para sila ang magkapartner sa kutilyon.

Ang dami kong isinakripisyo para lang magkalapit sila lalo pero sa kabila nun ay ang mga lihim na luha at patagong hikbi.

Kasalanan ko rin naman ito. Kung hindi ako pumayag at nagpakaduwag hindi ko sana naranasan ang lahat ng yun.

Patago ko siyang minahal kaya patago rin akong nasasaktan.

Dagdag pa sa sakit ay ang pagkukuwento ni Kathrine tungkol sa kanila ni Efren.

Ang saya saya ko ngayon Enzo. Kasi si Cruah ko andami daming ginagawa na nakakapagpakilig sa akin. Nakakapanibago ang kasweetan nya sakin ngayon.

Crush? Si Efren yun di ba?

Oo Enzo.. Hehheh secret lang natin ha? Crush ko siya kahit magbestfriends tayong tatlo. Pero parang hindi pa rin ako masaya kasi yung Love ko o yung taong inaasahan kong gagawin  sakin ni Crush ay parang lumalayo na sa akin.

Baka naman may mabigat siyang  dahilan. Teka. Bukod sa Crush mayroon ka ring Love? May pagkakaiba ba yun?

Oo naman. Si Crush siya yung nagpapasaya sa akin. Eh si Love naman siya yung tipong kahit hindi siya gumawa ng bagay na makakapagpasaya sa akin eh masaya na ako. Kasi makita ko lang siya pati yung ngiti nya, masaya na ako. Siya rin yung reason kung bakit ako patuloy na naniniwala sa salitang pag-ibig.

Ahh.. Magkaiba nga sila.. Pero naman.. swerte naman nung love mo. Pakilala mo naman sakin.

Ehhh akin na lang yun. Hindi pa ako handang sabihin sa kanya. Saka hindi ko alam kung may nararamdaman din siya sa akin. Baka magkailangan pa kami.

Ahh Enzo pwede ba akong humingi ng pabor sa iyo?

Oo naman ikaw pa! Lakas mo sakin eh.. Haahah parang yung utot mo kahapon. hahahah..

Huy.. ikaw tumahimim ka nga. Baka may makarinig satin.. Nakakahiya kaya.

Sus.. hahah. Pasalamat ka nga kasi kung hindi bumahing at pumutok ang lalamunan nung kaklase nating kamukha ng baboy dun sa angry birds malamang bida ka pa rin hanggang ngayon. hahahah..

Naman eh. Nakakainis ka!! Ang sama sama mo!

Sus eto naman oh di na mabiro. hahah. oh ano na yung favor mo?

Wag na nawalan na ako ng gana.

Uii nagtatampo na siya.. Sige na sorry na.. di na mauulit.

Tinitigan ko siya sa mata at hinawakan ang kamay. Bigla namang pumanglaw ang mukha niya at may namumuong luha sa kaniyang mga mata.

Gumanti siya ng paghawak ng kamay ko nang higpitan niya ang pagkakakapit niya.

Enzo huwag kang magmamahal ng iba ha? Please promise me na hindi ka maiinlove sa kahit na ainong babae.

Ha? Ang gulo mo naman Kathrine. Pa.. panong.. Ba.. bakit mo nasabi yun?  Bakit mo sinabi saking wag akong magmahal ng iba?

Mas lalong humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko. Nangingilid na ang mga luha sa pisngi niya. May mangilan ngilang napapatingin na sa amin ni Kathrine.

Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang sa aming dalawa lang umiikot ang mundo sa mga sandaling iyon. Parang gusto kong sabihin sa kanya na talagang hindi ako magmamahal ng iba dahil siya lang talaga ang mahal ko noon pa.

Pero wala akong lakas ng loob. Ayaw kong magsalita. Itatago ko na lang ang nararamdaman ko para na rin sa kaligayahan ni Efren. Mas magiging masaya siya kay Efren.

Basta ipangako mo. Anuman ang mangyari huwag kang iibig o magmamahal ng iba.

Napatango na lang ako sa sinabi niya.

Bagamat naguguluhan ay oo na lang ang aking naging sagot sa kanya.

Maluluha na rin ako sa sitwasyon namin pero pinipigilan kong umiyak. Hindi dapat niya malaman na may nararamdaman din ako sa kaniya. Ayaw ko. Magiging magulo lang ang lahat.

Mabilis naman niyang tinanggala ang pagkakakapit sa kamay ko at pilit siyang ngumiti sa taong  paparating mula sa likod ko.



MANHID Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon