MANHID: CHAPTER 18

453 9 2
                                    

Manhid: Chapter 18

Mabilis na lumipas ang mga oras.

Uwian na pala. Wala naman kasi akong ginawa maghapon kundi ang matulog. Pero itong si Insan parang balisa. Masyadong malalim ang iniisip. Sina Kathrine at Efren naman panay ang lambingan sa tabi ko. Hayyy..

Naglalakad na kami ni Insan pauwi. Si Kathrine?

Ayun kasabay ng bf nya. Pinipilit kami ni Efen pero hindi na ako pumayag. Baka kasi madamay pa sila sa mood ni Insan. Hehheh.

Habang naglalakad, sinisipa-sipa ni Insan ang mga batong nadadaanan niya. Ang haba-haba ng nguso na akala mo’y Biyernes Santo na.

Ui Ian Akihiro Santiago, ano ba ang problema mo?

Pero wala lang. Hindi man lang siya sumagot. Sa halip, sumipa ng pagkalakas-lakas sa malaking batong nasa harap niya na siyang ikinatumba niya.

Poootek!! Leche kang bato ka. Hahara-hara ka diyan. Shit!

Hahhahha. Ikaw kasi  Insan eh. Bakit ba kasi sa bato mo ibinubuhos ang sama ng loob mo? Ano ba ang ikinasisimangot mo diyan?

Wala kang paki! Tara dun sa park. Bilis!

Kung makatulak ka naman parang hindi ako tao ah. Tsk. Ano naman ang gagawin natin dun?

Gusto kong  mawala ang simangot sa mukha. Kaya ilibre mo ako ng fishball. Bilis!

Sus yun lang naman pala eh.. Ahh. Teka Insan.. wala akong pera eh. Alam mo namang mahirap lang ako. Hahhah

Sus. Kahit kailan talaga Insan hindi ka maasahan. Tara na nga! Ako na lang ang manlilibre sayo.

Maya-maya lang narating na namin agad ang tuto-turo.  Sinunggaban ko agad ang stick at yung lalagyan ng fishball at agad na namili ng malaki. Hahha

Ui makasunggab ka naman Insan parang ikaw ang magbabayad ah.

Okay lang yun. Mayaman ka naman. Hahha

Sus! Kung hindi lang ako badtrip hindi ka makakatikim niyan ngayon.

Mabait ka kasi Insan, saka guwapo pa. Pero mas guwapo ako sa’yo. Hahhah.

Kayabangan mo! Hehheh.

Mas mayabang ka.

Cute naman.

OMG! Fafa Ian, Fafa Enzo, andito rin pala kayo? Buti pala pumunta ako dito. Hehheh.

Oh. Tapos? –Ian

Ikaw Fafa Ian bakit ba ang init-init ng dugo mo sa akin? Easy lang, hindi naman ikaw ang kakainin ko. Mas masarap kaya ang fishball at kwek kwek.

Hahhah. Ano raw Insan?! Mas masarap daw ang fishball kesa sa’yo. Hahhah

Akala mo lang yun. Pero kung mas masarap man sa akin yang kinakain mo, hinding-hindi ko naman hahayaan ang sarili ko na sumayad diyan sa labi mo. Mamamatay ka muna. Hahhah.

Ouch naman.. huhuhu… Sige na. Alam ko namang galit ka sa akin eh. Hindi na ako manggugulo sa’yo. Kay Fafa Enzo na lang ako. Sige Fafa Enzo, kuha ka lang diyan. Iti-treat kita.

Talaga!! Yes! Salamat! Hehhe. Sige ha. Ikaw ang bahala sa akin.

Oo ba. Hehhe basta ikaw Fafa Enzo. Sabay irap niya kay Insan.

Teka, nga pala, nakalimutan ko! Pinabibili nga pala ako ni Fafa Renz ng fishball. Andun sila sa may pond, mamamangka ata sila.

Ha? Ibig mong sabihin andito sila?

Oo. Kasasabi ko nga lang di  ba?

Tara!

MANHID Where stories live. Discover now