Chapter 83: Tears of Joy

19.9K 262 58
                                    

Araw araw kaming magkasama ni John,

Para na ngang walang bukas ei :D

Wala masaya kasi talaga.

Parang iba yung pakiramdam ko kapag kasama ko sya,

Kumpara dati kay Paul.

Parang kilalang kilala ko talaga sya,

Dati kasi kami ni Paul eh bago pa lang magkakilala.

Hindi nga nagkakilala ng matagal eh.

Pero si John, sobrang komportable ako kapag kasama sya.

Andito sya ngayon sa bahay.

Sa may duyan, kasama ko.

Bonding bonding syempre.

Dala nya si Anya.

Taz MANIA, pala nanggaling yung name nun. Gago to :D

Di ko nagets nung una talaga.

"Amina kasi, turuan mo ako magitara."

J: "Ala, baka masira mo lang si Anya."

"Grabe ka naman ang damot mo!"

J: "Belat!!!"

"Ganyanan na ha"

J: "Sadya!"

"Hmmp, maka-akyat na nga. Bahala ka dyan."

J: "Teka, teka ito naman di na mabiro. Oo na sige na.."

"Wag na kakahiya naman kay ANYA! Mas mahal mo pa sakin eh."

J: "Sus, nagselos sa gitara!"

"Hmmp, ewan ko sayo :P"

J: "Sorry na nga eh, eto na oh, eto na si Anya, kahit basagin mo pa sa ulo ko, ayos lang"

Natatawa na ewan ako.

Kasi pinipilit nya talagang hawakan ko yung gitara nya.

"Okay okay, ano ipupukpok ko na ga sa ulo mo?"

J: "Kaw talaga di ka na mabiro. Wag naman"

Hinila ko yung buhok nya.

"Ulol !"

J: "Aray naman, lagi ka na lang ha, di ka pa rin talag nagbabago."

"Oh bakit, ano palaga ka?"

J: "Hindi po Mam."

"Di naman pala ei"

Sabay higit sakin tapos tinakpan yung ilong ko.

J: "Sige ano, palag ka"

Di ako makahinga ng maayos, malamang tinatakpan ang ilong ko.

Natatawa nga ako talaga eh.

Ang brutal naman nitong lumaban.

Ginawa ko eh kinagat ko yung kamay nya.

Kaya napabitaw sya.

Tapos tumayo ako.

"BELAT!"

J: "Nako, pasalamat ka... Ano papaturo ka pa ga sakin?"

"Eh ayaw mo nga akong turuan eh."

J: "Tuturuan na nga sabi, ano ga ang gusto mo?"

"Kahit ano, basta yung madali lang"

J: "Eh lahat naman kaya mahirap sayo."

Book 1: Second Chance (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon