Chapter 77: Paano na Kaya?

18.8K 244 45
                                    

Dadaan ako sa bulding ng Business.

May inuutos kasi yung teacher namin,

Na kung pwede ipaabot ko kay Ms. Reyes yung mga books.

Di ko alam kung saan doon,

Basta sabi nya, hanapin ko lang sa may building na yon.

Wala naman ako magawa kasi teacher na yung nag-utos.

Malas naman,

Dun sina Paul at Kaye eh.

Syempre Business students sila.

Heto na nga ako hinahanap si Ms. Reyes.

Binabaybay ko kada room.

Nang makita ko si Ms. Reyes dun sa room nila Paul.

Paano ko alam?

Nasa harapan kasi nakaupo si Paul.

Kitang kita ko.

Wala nga sya sa mood, halata naman.

Pero bakit ako papaapekto?

Tssss.

Kumatok ako sa may pinto nila.

"Ms. Reyes"

Ms. Reyes: "Oh Jam, Pasok ka muna, saglit lang ito at may chinechekan lang ako"

Ayaw ko sana pumasok kaya lang I have to.

Nang binaggit ni Ms. Reyes yung pangalan ko napalingon si Paul na naglalaro lang ng lapis nya sa kamay nya.

Nakatungo lang ako nung pumapasok.

Hindi ako nahihiya kay Paul.

Ayoko lang syang titigan kasi naiirita ako.

Napansin ko na hindi sila magkatabi ni Kaye.

Nasulyapan ko na nakatingin din sa akin si Kaye sa may likod ng classroom.

Halata yung lungkot sa mukha nya.

Hindi ko sila pinapansin.

Kahit alam kong gustong kunin ni Paul yung atensyon ko.

Nasa harapan pa naman nya ako.

Katabi ko si Ms. Reyes.

Nang matapos na si Ms. Reyes mag check.

Inabot ko na sa kanya yung libro tapos sinabi lang yung pinasasabi ng teacher namin tapos umalis na.

Paul: "Jam"

Sinabi ni Paul nung paalis na ako.

Pero di ako lumingon.

Dare-daretso lang ako sa paglabas ng classroom.

Narinig ko na lang ang sinabi ni Ms. Reyes "Paul, tama na ang ligawan, di mo pa sinasagutan yung pinapasagutan ko ah"

Tsssss.

Napailing na lang ako.

Habang naglalakad,

Nakasalubong ko si Honey.

Sya yung freshmen student na ngayon ay 2nd year na.

Yung binigyan kami ng gift nung Christmas ni Paul, yung super special.

Nakangiti sya sakin at binati ako.

H: "Good Morning ate Jam"

"Uy Honey, kamusta! Tagal nating di nagkita ah? :)"

Book 1: Second Chance (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon