Chapter 2: Agad?!

69.6K 607 33
                                    

Habang nagmumuni-muni di-ne sa taas sa bahay.

Biglang nag-vibrate and cellphone ko.

Unknown number -__-

Feeling ko alam ko na kung sino to >.<

"Hiii!"

"Ako ga, hindi mo talaga titigilan?!"

"Kilala mo ako?"

"Malamang! Ikaw lang naman ang kumuha ng number ko na di ko kilala!"

"Iniintay mo yung text ko?"

"Ang kapaaaal!"

"Bakit ang sungit mo?"

"Pwede gaaa! Wala akong panahon makipag-lokohan sayo! For sure naman matanda ka na, kaya dapat mag-isip ka na rin ng tama!"

"Nakikipagkilala lang yung tao. Masama?"

"Masama kung ayaw naman nung tao makipagkilala sayo."

"Bakit ayaw mo makipagkilala sakin?"

"Sa tingin mo may lalaking matino na isang beses na pagkikita pa lang sa mall, kukunin na agad ang number mo, tapos.."

"Then what?"

Leche! Ayoko sabihin na "ano ga ang ibig sabihin kapag kinuha mo ang number ng isang babae na di mo kilala, hindi ga dahil type nito!?" Tsss. Ayoko, baka isipin nito na feelingera ako!

"Wala! Wag ka na nga magtext. Busy ako!"

"Busy? Pero naka-tunganga ka lang sa taas ng bahay nyo?"

Bigla akong na-alerto.

Leche... Stalker pa yata tong lalaking to.

Tumayo ako at lumingon sa labas.

Lumingon sa paligid-ligid.

Wala naman.





Tekaaaaa! nak ng!! Pano nito nalaman?

"Eheeeeemmmm!"

"Hoy Kaye! Anu ginagawa mo jan!"

Sabay pakita ng cellphone nya.

"Ah ha! Ikaw! Ikaw siguro ang nagsabi dyan kung ano ginagawa ko ano?!"

K: "HAHAHA! Secret!"

"Maldita ka!" sabay hila sa buhok nya.

K: "Alam mo ikaw! Ang sungit sungit mo! Ikaw na nga dyan ang gustong makilala ng tao.. Wala namang intensyon na masama. Hoy nag-aaral kaya ng matino yan, tsaka, mayaman nyan."

Napa-hawak ako sa balakang ko.

"At paano mo naman nalaman agad agad yan aber?! Siguro kagabi pa kayo magkausap no?"

K: "Ano ka ga! Katext ko na nga kahapon pa, after sa mall. "

"Malandi!!!"

K: "Selos ka?" sabay tawa.

"Mukha mo!"

K: "Mukha namang maayos kausap. Makipagkaibigan ka na! Wala namang mawawala! Tsaka kung maka-arte ka akala mo elementary woshooo! College ka na uy!!"

Biglang narinig namin na nag-vibrate na naman yung phone ko na nakapatong sa table.

Agad agad tumakbo si Kaye doon at sya na mismo ang kumuha ng cellphone ko at nagbasa.

Book 1: Second Chance (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon