Chapter 9: Lame Date!

32.1K 296 13
                                    

Kung gaano ka-korni ang mga banat nya sakin, ganon din ka-korni yung 1st date namin. >.<

Tinipid na sa popcorn, tinipid sa kakainan, pinagdamot pa yung tubig?!

Well.. Hindi naman siguro nya ginusto na magka-emergency sa bahay nila.

Kaso.. talagang hindi ko nagutsuhan yung 1st date namin!

Sobrang lame -__-

Enjoy na nung una eh, kaso wala...

Disappointed -__-

Nakauwi tuloy ako ng pagkaka-aga.

Ni hindi man lang nakalampas ng alas singko -__-

Nagulat nga si Lola kasi ang aga ko daw dumating.

Wala na sina Kuya, kaalis lang.

Akala nga kasi 8pm pa din ang uwi ko.

Sayang hindi ko man lang sila naabutan >.<

Di na ko nagpaliwanag kay Lola kung ano nangyare.

Sabi ko lang kay Lola, nagka-emergency si Paul kaya maaga ako naka-uwi.

Si Kaye, umuwi na rin kasi, sa kanya ko pa naman ikukwento kung gaano ka-walang kwenta nung 1st date namin >.<

Tinext ko si Kaye.

"Bhes! ang lame ng date namin! pero nag-enjoy din naman ako kahit papano!"

K: "Oh? bakit anu nangyare?"

"Eh pano di nagka-emergency si Paul, ayun maaga kami umuwi."

K: "Aww! saklap! Pero ano talaga nangyare?"

Kinwento ko sa kanya yung mga unang nangyare.

Tawa sya ng tawa.

"Anong nakakatawa don maliban sa pagtapon ng popcorn?"

K: "Ang cute naman.. Ang cute hahahaha!"

"Ano?!"

K: "Ang cute nung experience.. Biruin mo.. hindi mo iisipin na ganon pala ang ipaparanas sayo ni Paul. tsaka isipin mo na lang, unique naman ang 1st date nyo. Kaya di bale na hindi ka nya binili ng popcorn nung una. HAHAHA."

"Anong cute don?"

K: "Ikaw talaga! Hindi ka marunong maka-appreciate ng uniqueness!"

"Tinipid ga naman ako"

K: "Baka naman walang allowance yung tao."

"Baka naman nagpapanggap na mayaman lang yan."

K: "Hindi, nakita ko yung facebook nya. Totoo, mayaman sya talaga.."

"Wow ha, talagang na-stalk mo agad!"

K: "Syempre naman, bago kita ipagatiwala doon. Inaalam ko muna yung background. Para hindi naman ako mapahiya sa pagreto sayo."

"Pero infairness, yung effort nya, nakakatuwa rin naman."

K: "Oh see!"

"At sa effort mo na pagsabi ng mga paborito ko!!"

K: "Wa-wala akong alam dyan!"

"Para namang ikaw lang ang ibang kausap nya ano? -__-"

K: "Eh nagtatanong kaya. Kaya sumasagot na lang ako. Ayaw mo nun, kung ano ang gusto mo, naiibigay nya."

Book 1: Second Chance (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon