Chapter 78: Incomplete

18K 236 36
                                    

This Chapter is dedicated to Micah (bedabest) :)

Salamat sa pag-tutok.

Pasensya na medyo maikli lang yung role mo dito.

Gahol na kasi ako sa oras eh. :)

__________________________

Hanggang ngayon hindi pa rin matanggap ni Paul na may iba na akong mahal.

Nagpaparamdam pa din sya sakin,

Pero hindi katulad dati na talagang nangungulit.

Pinapakita nya lang daw sakin kung gaano nya ako kamahal.

Kung gaano kadalas ang pagpapakita nya sa akin.

Yun naman ay kasing dalas din nagpagkikita namin ni John,

Na laging kasama naman si Trish.

Wala akong maggawa.

Ganito pala talaga kasakit,

Once na ma-realize mo na mahal mo na sya,

Pero di mo magawang maipakita sa kanya.

Na mahal mo na talaga sya.

Sa bawat pagkikita ay ganon pa din sya.

Kulang na lang talaga yakapin ko sya tuwing nakikita ko dahil sobra sobra ko na syang namimiss.

Sana alam nya kung gaano ko sya kamahal.

Aaminin ko, mali naman talaga ako sa mga salitang binitiwan ko nung huli naming pagkikita.

Pero nagsisisi na naman ako eh.

Kung kelan kapag wala na talaga ang isang bagay sayo,

Saka mo malalaman kung ano ang halaga nito.

____________________

Sa bawat araw na nagpapamiss sya sakin.

Lalo ko narerealize sa sarili ko na mahal ko na talaga sya.

Isang araw pumunta ako ng park.

Naglalakad mag-isa.

Natatandaan ko dati, dito ako naglalabas ng sama ng loob.

Kaya ngayon bumibisita ako dito,

Para ilabas ang sama ng loob ko.

Umupo ako sa ilalim ng puno.

At nagbuntong hininga.

Ang taas ng sikat ng araw.

Wala akong nakikitang tao, dahil sino ga nga naman ang taong gagala sa park na ito sa sobrang tirik ng araw.

Tumingala na lang ako at pumikit.

Nang di ko maalintana na pumatak ang isang luha sa kanang mata ko.

Kinausap ko ang sarili ko.

"John, sana malaman mo kung gaano kita hinahanap hanap."

"Sana malaman mo kung gaano ka kahalaga sakin.."

Book 1: Second Chance (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon