Chapter 27 : Just an ordinary day

24.9K 195 4
                                    

Pag-kamulat pa lang ng mata ko.. Nakakaramdam na ako ng lungkot.

Naalala ko ang nangyare kagabi.

Wala akong ganang pumasok, kaya pinagpasyahan ko na, lumiban muna sa eskwela.

Nakakatamad kasi -___-

Wala ako sa mood.

Naalala ko ang katangahan kong nasabi at ginawa kagabi.

Napaka-walang kwenta ko no? >.<

Di ako bumabangon sa kama ko.

Ang pinagtataka ko lang kung bakit nandito pa si Paul kahapon? kasi ang alam ko hindi ganitong kaalangan ang paguwi nya dito sa Batangas.

So iniwan nya yung pag-aaral nya pansamantala sa Maynila para lang mambabae dito!?

Nyeta tong lalakeng to!

Niloko nya lang ako!

Tama sina ate lolokohin nya lang ako!

Bakit kasi hindi ako nakinig?

Paano inuna ang pag-kilig, kesa paki-kinig.

-__-

*toot *tooot

One Message:

P: "I'm sorry magpapaliwanag ako."

Nung nabasa ko to.

Halos itumba ko tong kama ko sa sobrang inis!

Ano pang papaliwanag ng gagong to?!

E kung di naman dahil sa kanya hindi ako mapapahiya!

"Ano pang ipapaliwanag mo?! Pati si Shiela, napagbintangan ko ng wala sa lugar. Bahala ka na, magsama kayo ng BABAE mo!"

Osige i-admit ko... masakit bitiwan ang mga salitang ito..

Mahal ko e! Nakaka-gago talaga mag-mahal -___-

Pero may parte pa rin sa akin na gustong gusto kong gumawa sya ng paraan para magkaayos kayo, hindi yung susuko sya, kasi ayaw mong iwan ka nya -__- Nakakagago! Ayoko ng ganyang pag-iisip at pakiramdam.

Jam, taasan mo naman pride mo -__-

Papadala ka kaagad sa hinayang at pakonsensya ng lalaking yan e.

P: "Oo naggawa kitang lokohin noon, pero ngayon, wala na kami, please lang makipag-usap ka sakin sa personal."

"Eh gago ka pala, ano sa tingin mo, yun na yun? Yun lang yun? Makikipaghiwalay ka sa isa mong girlfriend, para ano? Mapalubag ang loob mo? GAGO KA TALAGA!!!"

P: "Sige, aaminin ko, nung una, hindi naman talaga ako seryoso sayo.. pero nitong mga nagdaang araw, na-realise ko na ang babaeng maingay na to.. hindi ko kayang mawala sa tabi ko.."

"Aluhluhluh, naginarte pa! Teka...sabihin mo nga sakin ha, akala ko nasa Maynila ka? Bakit nandito ka pa din sa Batangas ha?"

P: "Tumigil muna ako sa pag-aaral."

Nagulat ako sa sinabi nya.

"Bakit ka tumigil? Gago ka talaga no!? Sinasayang mo yung magandang opportunity para sayo!"

Book 1: Second Chance (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon