Chapter 61: Len's POV

18.2K 179 107
                                    

Len's POV:

Nagkita-kita kaming magkakabarkada nung pasukan.

Nabanggit nga ni Jam samin yung work offer sa kanya.

At kaya pala iba ang aura nitong babaeng ito eh dahil si Paul ay lagi na nyang makikita sa college kasi dun na din napasok.

Kaklase nya nga si Kaye eh, may extra classes nga lang sya kasi kailangan nya itake ang mga nalampasan nyang lessons.

Si Jam ay may work na.

Sipag nga din nun eh.

Working student.

Di muna namin mahahanap kapatid nya baka daw sa bakasyon na lang.

Pano kasi gusto nya makatulong.

Ako din naman ah working student, yun nga lang sa own company namin.

Tsaka madalang naman ako pumunta dun, kasi yung Kuya ko ang nag-aasikaso nun.

May kuya ako, dalwa lang kami magkapatid. 28 years old na sya and wala pa syang asawa, pero may fiance sya.

Ewan ko kung bakit kapitin ng malas tong si Jam.

Hindi naman sa ibang kamalasan, I mean yung lagi syang nasasangkot sa away.

Tapang tapang kasi, lagi naman napapahamak.

Isang araw kasi sa canteen, yung mga barkada ni Kyla pinaguusapan si Kaye.

Eh na-inis na din sila kaya di makapag-pigil.

Pinahiya nga nila sa lahat ng tao eh.

Pinagsabihan namin sila.

Tapos dumaretcho na kami sa may gym.

Eh may kung sino ang mga nagsisigawan.

Yun pala si Kyla at Aldrin.

Alam ko gulo na naman to.

Galit na galit na sumugod si Kaye kay Kyla.

War kung war lang eh.

Pinigilan namin si Kaye kasi sinasaktan na nya si Kyla.

Habang sinasabihan nya ng masasakit na salita si Kyla eh bigla na lang kaming napatigil.

Nagulat lang kami nung sinabi nya na may nangyare daw sa kanila ni Aldrin.

Nagkatinginan kami ni Anne.

At bumulong sya sakin "Tama ga yung narinig ko dre?"

"Shhhh!" suway ko sa kanya.

Nakakaawa si Kaye.

Parang may kung ano din sakin na gustong sampalin tong babaeng to.

Ayaw pa naming maniwala sa kanya kasi alam naman namin kung gaano sya kadesperada.

Pero, ki-nonfirm ni Aldrin na tunay nga iyon.

Wala ng nagawa si Kaye kundi ang hampasin na lang si Aldrin.

Di kami makapaniwala na magagawa yun ni Aldrin.

Parang magkakabarkada na nga kami eh.

Nilapitan sya ni Jam at tinayo, dahil napaluhod sya sa sobrnag sakit siguro ng nararamdaman nya.

Kung ako man din ay baka hindi lang yon ang gawin ko kay Aldrin na yan.

Nilayo muna ni Paul si Kaye, tapos itong si Kyla hinila ni Jam, kinausap nya.

Naiwan sa harapan namin si Aldrin.

Lumapit sya samin at hinhingi ang pasensya namin.

Anne: "Sorry!?!? Sorry lang ang maibibigay mo?!?! Pagkatapos mong matukso sa haliparot na babaeng yon?"

Book 1: Second Chance (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon