Chapter 5: Banat

42.3K 393 34
                                    

Lunes na naman!

Ang pinaka-ayaw na araw ng mga estudyante -___-


May pasok kami and nagsabay kami ni Kaye papuntang school.

"Oi kamusta pagpunta mo sa mall kahapon?"

K: "Ala eh iyon nga at cake lamang nabili ko kasi may nakakabwisit na lalaking pinag-tripan ako kahapon."

"Oh? Sino mga yon?"

K: "Aba malay ko.."

"Pinag-tripan ka ga? Sinundan ka? Ano??"

Okay nagpa-panic na ko!

K: "Ang OA mo talaga! Hindi nga.. Wala.. wala yung mga yun.. Wag mo na pansinin."

"Next time nga wag ka ng pupunta dun mag-isa"

K: "Kung sinamahan mo ako, eh di sana hindi ka nag-over react ng ganyan ano?"

"Aba, magagawa ko kung busy ako! Tsaka tingnan mo na! Paano kung si Paul kasamahan nung mga lalakeng nantrip sayo ngayon? O mas malala pa? Tapos binigay mo pa number ko!"

K: "Hoy Bff! Wag ka ng mag-inarte dahil nangyare na, tsaka kahit na gwapo yung mga nantrip sakin kanina, alam ko naman na hindi seryoso mga yon, si Paul kaya iba.. Iba na-feel ko sa kanya.. Mukha namang sincere frienddd..."

"Ano pa nga ga at nangyare na nga! Basta kung ano mang mangyare, ikaw ang may kasalanan ha!"

K: "Woshoo. Baka magpasalamat ka pa sakin, dahil pinilit kita..."

Biglang may nag-vibrate..

Ayoko ng tingnan!

"Oh asan na nga ga tayo sa usapan natin?"

Nakataas lang ang kilay nya sabay turo yung nguso sa cellphone ko.

"Tsss. Kaye naman.. Hayaan mo na yun. Yaan mo nga syang magtext ng magtext."

K: "Babasahin mo lang naman, masama ga naman?"

"Nakakabwisit na rin kasi paminsan-minsan -__-"

K: "Buti nga naalala ka pa palagi nyan. Lagi kang tinetext, ano pa hinihimutok mo dyan? Baka naman natatakot ka lang ma-PAUL jan ha." sabay tawa.

"Tumigil ka nga dyan, di ka nakakatawa."

Bigla nagpalit ang facial expression nya, seryoso na ulit.

K: "Give chance te!"

"Nagbigay na nga diga? -__-"

K: "Alam ko naman na isa lang ang hinahanap mo, isang lalaki na gustong patunayan na hindi lahat ng lalake ay pare-pareho. Kagaya din naman yan sa lahat ng babae. Sino ga naman ang gustong maloko ng maraming beses at paulit-ulit?"

-__-

K: "Tsaka kung ma-mroblema ka naman, as if na nakaranas ka na lokohin!"

"Hindi nga ako nakaranas, pero natuto ako sa karanasan mo at tsaka nairinig mo ga yung mga bali-balita sa mga kaklase natin, its either hiwalay na dahil niloko o kaya naman nabuntis na, eh kababata pa! Ganyan lang naman yang mga lalaking yan, madalas, kapag nakuha na ang gusto nila, iiwan ka na!"

Napa-tapik sya sa noo nya.

K: "Te!!!! Hindi nga lahat ng lalaki pare-parehas! Meron naman dyang mga napapagkatiwalaan yun nga lang, endangered na sila.. Paano mo malalaman na kung ang nabingwit mo ay isa sa mga yon? Tapos tinaboy mo lang? Eh di wala, nganga? Magsisisi na lang? At ang nakakaloka pa dyan, dapat nga ako yung ma-dala dahil naloko ako, aba't hindi, ikaw pa nga naman ang may ganang ma-trauma eh ano?"

Book 1: Second Chance (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon