Chapter 41: Bye!

22.1K 188 12
                                    

N: "Ms. Zip Line! Ayos ka lang?" asar sakin ni Nicko.

"Cheeee!!!!!" -___-

On the way kami sa may Burnham Park.

Next stop naman sa may Botanical Garden.

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa may Burnham Park.

Nagpicture-picture kami agad agad, kasi super historical ng place na to.

Oldest park sa buong Baguio.

Pagkatapos ng pictorial, nag-bike kaming girls and yung boys nag-basketball.

Sina Tita, nag-picnic na lang sa may tagiliran.

Dahil hindi na ulit ako sanay mag-bike.

Arangkadang-arangkada tong sina Kaye sa harapan ko!

"Oi, teka lang naman. Kainaman na kayo!" 

K: "Bilisan mo kase! Ang kupad kupad mo!"

Binilisan ko ang pagba-bike ko at sa kamalasang taglay ko.

Hindi ko napansin na may bato pala sa harapan ko.

Nawalan ako ng control at sumemplang ako sa bike.

Nadaganan pa ng bike ang paa ko.

Nakita ako nina Tita at agad silang tumakbo sakin.

TV: "Ayos ka lang iha? Ano nangyare?"

Di ako nakasagot kasi namimilipit ako sa sakit. 

Nang makita ako nina Kaye, agad silang bumalik.

K: "Bestfriendddd! Okay ka ga lang? Jusko naman oh!"

A: "Kayo kasi niyabangan nyo, ayan nag-feeler na mabilis mag-bike."

L: "Shunga! Shunga!!"

Chineck nila yung paa ko.

Pero sa sobrang sakit, ayoko pahawakan.

"Arayyy!! masakit."

L: "Aba yan napapala mo. Shunga shunga ka e. Tanga mo friend."

Tunay nga namang kaibigan -___- Tatangahin ka pa bago ka tulungan.

Nang marinig namin na parang may nagkakarera sa takbuhan, yun pala ay sina Paul na patikar na papunta samin.

"Jam, ano nangyare?!?!" 

L: "Wag ng OA Paul, hindi naman msyadong malala yan."

"Hindi malala? Di ko nga magalaw paa ko."

L: "Sus. Di yan. Hala sige buhatin na yan sa pinakamalapit na clinic dito."

Binuhat ako ni Paul at naghanap kami ng malapit na clinic, buti naman at di na kailangan mag sasakyan papunta doon. Kaya nilakad na lang namin.

___

CLINIC.

"Na-sprain sya, pero magiging okay din sya soon. Binigyan ko na din sya ng pain reliever." sabi ng Doctor.

P: "Mabuti naman kung ganon. Mag-iingat ka na sa susunod Jam ha."

"Nag-iingat naman ako."

K: "Bakit kasi nag-pedal ka ng bongga. Alam mo namang di ka na sanay mag-bike tapos shungaever ka pa at di mo man lang tinitingnan ang dinadaanan mo."

Book 1: Second Chance (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon