Chapter 72: Secrets.

18.8K 208 171
                                    

Arggg.

Lumalala na yung issue sa college ah.

Lagi na lang kaming pinag-uusapan.

Nakakabingi na din eh.

Nag-usap usap kami ni Anne at Len.

Andito kami sa may library sa college.

As usual, dito peaceful eh.

Malayo sa mga chismosang tao. >.<

Anne: "Nako, nakakairita na yang si Paul ha. Ano na naman ang bago nyang pauusuhin dito sa college? Yung babalikan ka nya? Nakakainis!"

Len: "Sakit sa ulot talaga yang si Paul! Oh ano na plano Jam?"

"Di ko nga alam eh."

L: "Sus! Kailangan mag-decide ka na. "

"Kaya nga eh. Pero di ko talaga alam."

L: "So mahal mo pa si Paul talaga?"

Di ako nagsalita.

A: "Mahal mo pa, pero sigurado ka gang mahal ka pa? O pinaglalaruan ka lang? Mag-isip ka Jam!"

"Ayaw ko na naman talaga syang makita o balikan pa eh. Ayos na ako na wala sya, pero nung nagpakita at kinukulit nya ako. Dun lang bumabalik ang lahat ng sakit. Alam mo yung pakiramdam na gusto mong umiyak sa harapan niya, Para lang malaman niya na NASASAKTAN KA."

A: "Ang hirap kasi sa Paul na yan, lagi na lang wrong timing. Kung kelan minahal mo na sya saka mawawala at kung kelan nakakalimot ka na, saka naman babalik. Tsss. Iba din takbo ng utak eh."

"Nahihirapan kasi ako kasi tinutulak ako ng pagmamahal ko sa kanya. Parang gusto ko syang bigyan pa ng Second Chance."

L: "Payo lang ha, Wag ka nang kumapit kung alam mong bibitawan ka lang."

"Naguguluhan ako eh. Ang hirap mag-decide."

A: "Paano na si John?"

L: "Nako lagot na, may John pa nga pala. Kahaba ng hair mo teh!"

"Ayoko syang masaktan eh. Pero si Paul talaga yung mahal ko. May nararamdaman din ako sa kanya, kaya lang wala pa ako sa point na mahal ko din sya. Kahit alam kong mahal nya ako."

L: "Yun naman pala eh, bakit hindi na lang si John? Mas boto pa kami dun."

A: "Pero bago ka magmahal ng iba. Siguraduhin mo munang naka MOVE ON ka na talaga."

L: "Tama! Huwag mo syang gagamitin pang-move on. Kawawa naman yung tao."

"Di naman talaga. Kaya lang, mas matimbang talaga si Paul eh. Alam nyo naman na first love never dies."

Napa-sigh si Len.

L: "Oh sige, dahil nakuha ka ni Paul sa mga pick up lines nya, ako naman ang pi-pick up. Ikaw ba si TAN?"

"Len naman eh, tama na yan."

L: "Kasi IKAW ANG DAKILANG TANGA!"

A: "Oh ano, sige kiligin ka jan Jam. Pagkatapos ka nyang lokohin tapos babalik sya sayo na walang pakundangan? Ano sya sinuswerte? Na iniwan ka na parang basahan lang, tapos babalikan ka ulit, para ano? Para ipamunas sa sahig? Tssss."

L: "Tama sya Jam, kung ako sayo mag-isip isip ka. May John pa dyan. Na handang mag-intay para sayo. Hindi kagaya ng Paul na yan na nagtrabaho ka lang eh nawala na sayo tss."

Book 1: Second Chance (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon