Chapter 30

12.9K 224 28
                                    

LURCH’S POV: 

"No, Zephrine, no! I'm so sorry. I-I didn't mean to..." Pinutol ko kaagad ang sasabihin ng hayop na lalaking ito na nasa harapan naming ngayon ni Zephrine. Agad ko siyang sinugod at pinaulanan ng suntok. Nagdidilim na ang buong paningin ko. Para akong bulkang sumasabog. Nanginginig ang buong sistema ko sa sobrang galit. Hinding-hindi ko siya tatantanan hanggang sa mamatay siya. Pagbabayaran niya ang lahat ng ginawa niya sa amin.

Tuluy-tuloy ang pagtuo ng mga luha ko habang sinusuntok siya. Mapapatay ko talaga siya! Wala na akong pakialam kung madungisan ang kamay ko basta mapatay ko siya.

"LURCH!!!!" Narinig kong sigaw nina Jethro kasama ang mga pulis at dali-daling tumakbo papalapit sa akin para pigilan ako. Hinawakan nila ako sa magkabilang braso at pilit na inilalayo sa akin si Matthew kaya't nagpupumiglas ako sa kanila. "Tumigil ka na, Lurch!"

"Hindi!! Papatayin ko yang hayop na yan! Papatayin ko siya!” Sigaw ko habang nagpupumiglas pa rin sa kanila kaya't lalo nilang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. Hinang-hina na ako dahil sa lahat ng nangyayari sa amin. Napaluhod na lang ako at umiyak ng umiyak.

*

"Dude, kumain ka na muna at magpahinga. Ilang araw ka nang hindi kumakain. Wala ka pa ring pahinga. Kami na muna nina Spade ang magbabantay sa kanya."

Hindi ko na alam kung gaano katagal na akong nakatingin sa kawalan habang patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha ko. Para akong unti-unting tinatakasan ng katinuan ko habang pinagmamasdan ko si Zephrine na hanggang ngayon, hindi pa rin nagkakaroon ng malay.

Nilingon ko si Pierre na nakahawak sa balikat ko. Hindi ko siya pinansin at ibinalik ko ang tingin ko kay Zephrine. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalik-halikan iyon.

Zephrine, gumising ka na please. Ang tagal mo ng natutulog. Miss na miss na kita.

"Lurch, kami na muna bahala dito ni Pierre. Alagaan mo naman ang sarili mo para kay Zephrine at sa anak niyo, si Ayesha. Halos hindi ka na nakakauwi sa bahay. Nag-aalala din naman kami sa kalagayan mo."

Nakatulala pa rin ako kay Zephrine at parang wala akong naririnig mula sa kanila. Hindi ako aalis dito hanggat hindi nagigising si Zephrine. Hihintayin ko siyang magising. Gusto ko, ako ang unang makikita niya.

"Lurch naman! Sa tingin mo ba, magugustuhan ni Zephrine kapag ganyan ang kalagayan mo sa oras na imulat niya ang mga mata niya? Hindi, di ba? Alagaan mo ang sarili mo at ang anak niyo. Magigising din si Zephrine, okay? Umuwi ka na muna at magpahinga ka."

"H-hindi niyo kasi a-ako naiintindihan. W-wala kayong alam sa n-nararamdaman ko."

"Naiintindihan ka namin, Lurch. Nararamdaman din naming ang nararamdaman mo. Nasasaktan din kami na makitang nasa ganyang kalagayan si Zephrine. Kaibigan namin siya, at may pinagsamahan din naman kami. Nagpapakatatag kami para sa kanya, kaya sana naman wag ganyan ang iniisip mo."

Kidnapped By My Ex-BoyfriendWhere stories live. Discover now