Chapter 11

12.3K 189 5
                                    

WARNING: MAY SPG DITO SA CHAPTER NA TO. OKAY?  SORRY KUNG HINDI GANUN KAGANDA ANG SPG DAHIL AKO'Y HINDI MARUNONG GUMAWA NG GANUNG SCENE. SARREEHHH~

--

ZEPHRINE'S POV

"Z-zephrine..." 

 Agad akong napalingon nang marinig ko ang boses niya tinatawag ang pangalan ko. Dali-dali akong lumapit sa kanya. Naupo ako sa gilid ng kama niya at niyakap siya ng mahigpit. Niyakap niya din ako pabalik kaya nag-unahan na naman sa pagpatak ang mga luha ko.

"L-lurch..." Bulong ko habang hinahaplos-haplos ang likod niya. Dahan-dahan akong kumalas sa pagkakayakap niya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Nakatingin lang ako sa kanya. “Anong ginawa mo sa sarili mo? Bakit mo to ginagawa?” Tanong ko sa kanya.

Napayuko lang siya at naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha niya sa kamay ko. Pinunasan ako ang mga luha niya gamit ang kamay ko at iniharap siya sa akin. Ayaw na ayaw kong nakikita siyang nagkakaganito. Ayokong umiiyak siya dahil nasasaktan ako.

Nasasaktan din ako sa tuwing nasasaktan siya.

“S-sorry, Zephrine. Mahal na mahal lang kita. Alam mo naman yun, di ba? Hindi ko kayang nakikitang nasasaktan ka sa mga kamay ko mismo kaya ako na rin ang lumayo. Pero hindi kop ala kaya kapag wala ka.” 

“Mahal din kita, Lurch.” 

“Ayokong nasasaktan ka, Zephrine. Naisip ko na palagi kang masasaktan kapag nasa tabi mo lang ako. K-kaya kahit mahirap para sa akin, pinilit ko. H-hindi ko alam na ganito pala kasakit malayo sayo. Ayoko ng saktan ka ulit. Hindi ko sinasadya yun, Zephrine. S-sorry…” Iyak na naman niya at hinigit ako papalapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.

“Sa tingin mo ba, hindi ako nasaktan nang bigla ka na lang nawala sa tabi ko nang hindi ko man lang alam ang dahilan? Sa tingin mo ba, hindi ako nasaktan nang mabalitaan ko yung tungkol kay Savanna? Sa tingin mo ba, hindi ko nasaktan sa paglayo mo sakin? Lurch, tinangka kong wakasan ang buhay ko sa sobrang sakit.”

“S-sorry talaga. Hindi na, hindi ko na gagawin yun. Hindi ko kayang wala ka sa tabi ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko oras na may mangyaring masama sayo nang dahil lang sakin. Mahal kita, Zephrine. Hindi ko kaya pag nawala ka ulit sa akin.”

“Hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko kung may mangyayaring masama sayo dahil lang rin sa akin, Lurch.”

“Simula nun, para na akong nawalan ng pag-asa sa buhay. Sorry, sorry, sorry. M-magsimula ulit tayo, please? Mahal na mahal na mahal kita.” Bulong sa akin ni Lurch habang yakap-yakap pa rin ako. Iyak lang ako ng iyak. Hindi ko alam kung ano na ang sasabihin ko.

Kakayanin ko ba oras na mawala din ulit siya sa akin? Kaya ko bang mabuhay mag-isa nang walang Lurch sa tabi ko?

 "Zephrine..." Tawag niya sa pangalan ko. Alam kong hindi ko kayang tiisin ang lalaking yakap-yakap ko ngayon. Mahal na mahal ko din siya. Kaya tumango na ako sa kanya bilang sagot.

Kidnapped By My Ex-BoyfriendWhere stories live. Discover now