Chapter 2

24.4K 459 28
                                    

ZEPHRINE'S POV:

Nakaramdam kaagad ako ng matinding sakit ng ulo pagkagising na pagkagising ko. May naramdaman din akong pagkirot sa bandang tagiliran ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Nanlalabo ang paningin ko kaya napapikit ako ng madiin at nagmulat ulit.

Inilibot ko ang paningin ko. Kulay puting kisame at mga pader. Nasa ospital ako? Ano bang nangyari sa akin?

Nagdahan-dahan akong umupo nang bigla kong maalala kung ano ang nangyari sa akin at nandito ako sa lugar na to. Si Lurch! Napahawak ako sa tagiliran ko. Inaalala ko ang mga pangyayari nang narinig kong bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking may katandaan na.

"Okay na ba ang pakiramdam mo, Ms. Castillo? Kailangan mo pa ng pahinga para makalabas na bukas na bukas din." Nakangiting sabi niya sa akin.

"A-anong nangyari s-sa akin? B-bakit wala akong m-maalala kung bakit ako n-napunta dito?" Pagsisinungaling ko. Alam kong si Lurch ang dahilan kung bakit ako nandito sa kalagayang to. Gusto ko lang malaman kung anong kasinungalingang ipinalabas niya ngayon.

"Normal lang na wala kang maalala, Ms. Castillo. Ikinuwento sa akin ng boyfriend mong si Mr. Martinez na naglalakad daw kayo nung gabi sa park nang bigla na lang kayong harangin ng isang grupo ng kalalakihan." Tumango-tango lang ako sa doktor habang kinukwento niya sa akin yung mga sinabi ni Lurch. Kalokohan! Malinaw sa isipan ko ang tunay na nangyari. "Gusto mo na ba siyang makita?"

"No! I-I mean, wag na muna. M-magpapahinga na lang muna ako dito." Medyo nabigla yung doktor sa pagkakasigaw ko pero hindi niya na lang pinansin yun. Ngumiti na lang siya sa akin at nagpaalam na. Mahihiga na sana ako nang biglang pumasok si Lurch habang nakangisi. Naramdaman ko na naman ang takot nang makita ko siya.

Napabangon kaagad ako dahil sa napakasamang panaginip. Actually, hindi siya isang panaginip dahil totoong nangyari iyon. Hindi nakapagpigil si Lurch at nasaksak niya ako dahil sa pagmamatigas ko. Hindi ko sinunod ang gusto niya.

Ewan ko ba at gabi-gabi ko na lang napapanaginipan ang mga masasamang alaala ng nakaraan. Gustuhin ko mang kalimutan, hindi ko naman magawa. 

Napatingin ako sa kalendaryong nakasabit sa pader ng kwarto ko. Ngayon na ang araw na babalik sila Lurch dito sa Pilipinas. Paano kung makilala niya ako? Napailing-iling na lang ako sa naisip ko. Kumilos na ako at nag-ayos ng sarili ko.

Matapos kong mag-ayos ng sarili, pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Halos hindi ko makilala ang sarili ko sa ayos ko ngayon. Maikli ang buhok ko, pulang-pula ang mga labi ko, naglagay din ako ng kung anu-anong kolorete sa mukha. Nakasuot ng itim na dress na hindi lalagpas ng tuhod ko. Hinding-hindi ako ang nakikita ko sa salamin.

Lumabas na kaagad ako ng bahay nang matapos akong makapag-ayos.

Nakarating ako sa park malapit sa subdivision namin. Naglalakad-lakad lang ako nang marinig ko ang isang grupo ng mga kababaihan na nag-uusap usap tungkol sa Unsigned. Tinignan ko sila na may mga hawak na mga posters at CDs. Kitang-kita sa kanila ang pagkahumaling. Nagmadali na akong maglakad papalayo sa kanila. Hindi ako dapat magtagal sa lugar na to!

Kidnapped By My Ex-BoyfriendWhere stories live. Discover now