Chapter 6

16.9K 273 5
                                    

LURCH'S POV

Halos dalawang linggo na ang nakaraan simula nung nangyari sa aming aksidente. Malaking pasasalamat ko at nagtamo lang kami ng mga galos. Pero hindi ko maiwasang mainis sa sarili ko dahil hanggang ngayon, wala pa ring malay si Zephrine. Hindi ko man lng siya naprotektahan. Gusto ko na saktan yung mga doctor nang sabihin nilang hindi nila alam kung kalian magigising si Zephrine. Malakas daw ang pagkakahampas ng ulo niya.

Naghihintay lang kami sa labas nina Pierre, Spade, Jethro at Ross habang nagsasagawa ng kung anu-anong test ang mga doctor kay Zephrine. Sana naman at walang nangyaring masama sa kanya. Napatayo kaagad ako ng tuwid nang makita kong lumabas na ang doctor sa silid ni Zephrine na nakakunot ang noo.

“Sino sa inyo ang kamag-anak ni Ms. Donna Zephrine Castillo?” Tanong ng doctor kaya agad-agad akong lumapit sa kanya. Pinasunod niya lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa opisina niya.

“Okay na ang pasyente, Mr. Martinez. Nagpapahinga na lang siya ngayon sa kwarto niya. Magigising na rin naman niya maya-maya.” Nakangiti ng tipi dang doctor matapos niyang magsalita. “But, it seemed she’s underweight. Habang nagsasagawa kami ng test sa kanya, we found out na 85 pounds lang ang timbang niya. She’s suppose to be over 100 pounds and I think she’s anorexic. Bugbog rin ang katawan niya ng mga pasa.” Dagdag pa ng doctor kaya napakuyom na lang ako ng kamao. Shit! Ganun na lang ba ang mga nagawa ko kay Zephrine? Gusto kong sapakin ang sarili ko.

Naramdaman kong nangingilid na ang mga luha ko.

“I’m sorry, Mr. Martinez. I’m not trying to make you cry but that’s not the only thing. We think she has bulimia.”

"A-ano po yun?"

"Bulimia is an eating disorder. She could be either anorexic which is starving herself or she just has an eating disorder. We don't know yet. Kailangan pa naming magsawa ng mga test sa kanya."

 Tumango na lang ako sa mga sinabi ng doctor. Nakayuko na lang ako paglabas ko ng opisina niya. Hindi ko naman sinasadya ang lahat ng ginawa k okay Zephrine. Sana mapatawad niya ko.

 *

“Dude, anong nangyari? Anong balita kay Zephrine?” Bungad sa akin ni Spade pagkabalik ko sa lobby kung saan sila naghihintay. Alam kong napansin nila ang namumugto kong mga mata. Hindi ko na lang siya pinansin at naupo sa tabi ni Jethro. Tinakpan ko ang mukha ko ng kamay ko at umiyak na lang ng umiyak.

Napakawalang kwenta ko.

Wala man lang akong kaalam-alam na ganun na pala ang nararanasan ni Zephrine. Hindi ko man lang pinansin ang nararamdaman niya. Hindi ko alam na iniinda lang pala ni Zephrine ang mga paghihirap. Sa kabila ng mga ngiti at tawa niya, hirap na hirap na pala siya. Kung alam ko lang… Kasalanan ko lahat ng nangyayari sa kanya.

“Hayaan mo na lang muna siya dyan, Spade. Tara na muna. Iwan na muna natin siya.” Sabi ni Jethro kay Spade at naramdaman kong iniwan na nila ako mag-isa dito.

Kidnapped By My Ex-BoyfriendWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu