Chapter 13

10.6K 153 6
                                    

LURCH’S POV:

Ilang araw na akong hindi pinapansin ni Zephrine. Hindi ko nga alam kung may nagawa na naman ba akong masama sa kanya para hindi niya ako kausapin. Hindi niya sinasagot ang mga tawag at text ko. Tuwing pupunta naman ako sa bahay niya, umiiwas siya sa akin. Hindi ko na tuloy alam kung anong gagawin ko.

Napatingin ako sa relo ko.

6:15pm. Gaano katagal na ba akong nakatayo dito sa tapat ng bahay ni Zephrine? Nanginginig na ang katawan ko sa sobrang lamig. Ang lakas ng ulan. Ewan ko ba sa sarili ko, pwede naman akong tumuloy kaagad sa bahay niya pero mas pinili kong manatili na muna dito.

Hindi ako aalis dito hanggang hindi kami nagkakausap at nagkakaayos ni Zephrine. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa para tawagan siya. Wala akong pakialam kung masira yun dahil umuulan.  

Calling Donna Zephrine Castillo-Martinez…

Agad akong napangiti nang makita ko ang pangalan niya sa cellphone ko. Bigla tuloy naglaro sa isipan ko ang mismong araw na magkaayos kaming dalawa. Buong araw kaming magkasama sa bahay at pinaglalaruan niya lang ang cellphone ko, pangiti-ngiti lang siya habang nakatingin sa screen nito. Eto pala ang pinagkakaabalahan niya.

ZEPHRINE’S POV:

Ilang araw ko na ring iniiwasan si Lurch. Hanggang ngayon, naiinis pa rin ako sa tuwing naaalala ko yung gabing may kausap siya sa cellphone niya. Mas lalo akong naiinis sa kanya sa tuwing naaalala ko ang pagngiti niya habang kausap ang kung sino man yon.

Selos? Oo! Nagseselos nga ako sa kausap niya. Bakit ganun na lang siya makangiti nung gabi yun? Sino ba kasi yun?

Halos minu-minuto niya akong tinatawagan at tinetext pero pinipigilan ko ang sarili kong sagutin ang mga yon kaya naman pinatay ko na lang muna ang cellphone ko. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Baka kasi kung anong masama ang lumabas sa bibig ko at lumaki pa ang problema naming.

Maghapon lang akong nakakulong dito sa kwarto ko. Pagulong-gulong lang sa kama. Hindi naman kasi ako makaalis dahil sa lakas ng ulan. Gusto ko rin munang makapag-isip isip kung tama nga ba tong ginagawa kong pag-iwas kay Lurch. Hindi ko na rin kasi maintindihan ang sarili ko.

Bumangon ako sa pagkakahiga para isara ang kurtina nang may maaninag akong lalaking nakatayo sa tapat ng bahay ko. 

Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko dahil baka nagkakamali lang ako. Pero tama ba talaga tong nakikita ko? 

Si Lurch?

LURCH’S POV:

Mahigit isang oras na rin akong nakatayo dito sa labas pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya lumalabas. Wala akong pakialam kung magkasakit ako pero hindi talaga ako aalis hanggat hindi kami nagkakausap man lang.

Kidnapped By My Ex-BoyfriendWhere stories live. Discover now