Chapter 5

19.1K 304 6
                                    

LURCH'S POV

 “Zephrine, m-mahal na mahal na mahal kita. S-sobra kong pinagsisihan yung mga nagawa kong pananakit sayo. S-sana mapatawad mo pa ako. G-gusto lang talaga kitang m-makasama habambuhay. G-gusto kong magkaroon ng pamilya kasama ka. W-wag mo na akong iwan ulit, Zephrine. Hindi ko na alam kung kakayanin ko. M-mahal na mahal k-kita, Zephrine.”

Halos bumulong na ako habang nakaluhod sa harapan ni Zephrine. Hawak-hawak ko ang kamay niya at patuloy ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko na kakayanin kung mawawala pa ulit siya sa akin.

Napayuko na lang ako nang hindi pa rin nagsasalita si Zephrine. Nakatingala lang siya at pilit na pinipigilan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo. Nawawalan na ako ng pag-asa. Unti-unti ng lumuluwag ang pagkakahawak ko sa kamay niya nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

 “Mahal na mahal din kita, Lurch.” Bulong niya sa akin. Akmang yayakapin ko na siya nang bigla na lang siyang mawala sa harapan ko at napabalikwas ako. Isang panaginip. Masaya ako kahit papaano dahil mahal ako ni Zephrine, kahit na panaginip lang. Alam ko naming kinamumuhian niya ako dahil sa mga nagawa ko sa kanya.

Nilingon ko ang gilid ko at wala akong naabutang Zephrine na natutulog sa tabi ko. Bumangon na ako at nakarinig ako ng lagaslas ng tubig sa loob ng banyo kaya nakahinga ako ng maluwag. Akala ko iniwan na naman niya ako.

“Goodmorning~ Gooooodmooooorningggg~!!!” Pagbaba ko, naabutan ko si Spade na pakanta-kanta habang paikot-ikot sa sala. Napailing-iling na lang ako. Napaka-isip bata talaga ng isang to.

“Manahimik ka nga. Aga-aga, ang ingay mo. Sakit mo sa tenga.” Iritableng sabi ni Pierre matapos niyang batuhin ng unan si Spade. Natawa na lang si Spade sa sinabi ni Pierre. Gustong-gusto niya talaga kapag may naiinis siya.

 “May pagkain na ba?” Tanong naman ni Ross na kalalabas lang ng kwarto nila at nag-iinat inat pa.

“Wala pa nga e. Nakakatamad magluto. Wala naman kasing maluluto dito sa bahay ni Lurch e. Tara sa labas na lang tayo kumain.” Pagyayaya ni Spade sa amin. Pumayag na rin ako at sumama sa kanila.

ZEPHRINE'S POV

 Nasaan na kaya sila? Halos nagawa ko na lahat ng gawaing bahay pero hindi pa rin sila nakakabalik. Nakaupo lang ako sa sofa at palipat-lipat ng channel sat tv. Kanina ko pa iniisip na tumakas pero natatakot ako sa maaaring gawin sa akin ni Lurch. Naiisip ko rin ang mga sinabi niya kanina habang natutulog siya. May parte ng utak ko na nagsasabing maniwala ako pero may parte ring wag akong maniwala. Ewan ko!

Napatigil ako sa paglipat ng mga channel nang biglang mabalita si Lurch.

“Lurch Edrian Martinez of Unsigned, is dating Donna Zephrine Castillo, his ex-girlfriend…”

 Nagulat na lang ako sa narinig. Paanong nalaman nila ang tungkol dun? Hindi naman kami lumalabas ng bahay ni Lurch. Narinig kong may nag-doorbell kaya agad kong pinatay ang tv at tumakbo papalapit sa pinto.

Kidnapped By My Ex-BoyfriendWhere stories live. Discover now