Chapter 15

8.8K 122 2
                                    

ZEPHRINE’S POV:

Hanggang ngayon, wala pa ring mapaglagyan ang kasiyahang nararamdaman ko. Halos hindi na maalis ang ngiti sa mga labi ko sa tuwing nagtatama ang mga paningin naming dalawa ni Lurch. Pakiramdam ko, lumulutang na ako sa sobrang saya.

Pagkatapos na pagkatapos ng concert-slash-proposal ni Lurch sa akin, nagpaalam na kami kina Spade, Pierre, at Ross. Nagmamadali silang nagpaalam sa amin dahil may pupuntahan pa daw sila.

Nasaan na kaya si Jethro?

Simula ng matapos ang concert, hindi ko na siya nakita. Ni hindi man lang ulit kami nagkausap ng maayos. Ano naman kayang problema niya?

Umiling-iling na lang ako para mawala ang mga naiisip ko. Napasulyap ako kay Lurch na nagmamaneho. Tulad ko, hindi rin mapawi ang mga ngiti niya. Hindi ko inakalang hahantong kami sa ganito, na ikakasal din kami balang-araw.

“Anything for my queen?” Nalokong tanong sa akin ni Lurch nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Napatawa na lang ako sa tanong niya.

 “Saan tayo pupunta, Lurch? Hindi ka pa ba pagod at bbiyahe pa tayo sa kung saan? Pwede naman nating ipagpabukas yun. Anong oras na oh?” Sunud-sunod kong tanong sa kanya pero nagkikibit-balikat lang siya sa akin o kaya naman  ay nginingitian niya lang ako. Minsan talaga nawiweirduhan ako sa mga kinikilos niya. Hindi na uit ako nagtanong pa dahil paniguradong hindi na naman niya sasagutin.

Sumandal na lang ako sa upuan at tumingin sa labas ng bintana hanggang sa unti-unti na akong hilahin ng antok. 

*

Nagising na lang ako nang maramdaman kong nakahinto na ang sasakyan namin. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at inilibot ang paningin ko sa paligid. Nasaan na ba kami at nasaan na nagpunta si Lurch?

Bumaba na ako ng sasakyan para hanapin si Lurch. Tumingin ako sa paligid at napansin kong parang pamilyar ang buong lugar. Naglakad-lakad ako at natigil lang ako nang makarating ako sa tapat ng isang malaking bahay.

Pinagmasdan ko ang buong bahay at saka ko lang napagtantong eto ang bahay na pinatayo ni Lurch noon para sa aming dalawa.

Halos mapatalon naman ako nang biglang may pumulupot na braso sa bewang ko. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. Naramdaman ko kaagad na nag-init ang mga pisngi ko nang maramdaman ko ang mga halik niya sa leeg ko.

“I love you, Mrs. Martinez.” Bulong ni Lurch sa tenga ko at bumalik na naman ang mga labi niya sa leeg ko. Napangiti na lang ako sa ginawa niya. Kinalas ko ang pagkakayakap niya sa akin at lumayo ng konti sa kanya.

“Saan ka ba galing, mister?! Alam mo bang sobra-sobrang kaba ang naramdaman ko nang magising na lang ako na wala sa tabi ko? Akala ko iniwan mo na ako.” Pinilit kong maging galit ang boses ko habang sinasabi ko ang mga to kahit na gusto ko nang matawa dahil sa naging ekpresyon ni Lurch.

“Sorry na po. Lumabas lang ako saglit dahil natutulog ka pa. Ayokong maistorbo ang tulog ng mahal ko.” Mahinahong sabi niya at saka na naman yumakap sa akin.

Kidnapped By My Ex-BoyfriendWhere stories live. Discover now