Chapter 24

5.9K 89 7
                                    

ZEPHRINE’S POV:

Pakiramdam ko ay matutumba na lang ako anytime dahil sa sobrang pagod at gutom na nararamdaman ko. It’s been two days simula nang makaalis kami ng anak ko sa puder ni Matthew at hanggang ngayon, palaboy-laboy lang kaming dalawa ng anak ko. Hindi ko alam kung sinong malalapitan ko.

Pinagmamasdan ko ang anak kong nakaunan sa kandungan ko habang patuloy ang pagpatak ng mga luha ko. Kahit kailan ay hindi ko inakalang makikita siya sa ganitong kalagayan. Bakit kailangan niyang maranasan ang mga to? 

Nandito pa rin kami sa parke kung saan kami nagpalipas ng gabi. Pinunasan ko ang mga luha ko at itinuon ang atensyon ko sa mga taong masayang dumadaan. Hanggang kailangan pa ba ang paghihirap naming?

Nakatingin lang ako sa malayo nang makakita ako ng isang pamilyar na mukha na papalapit sa amin. Napaawang ang bibig ko nang makilala kung sino iyon. Hindi ko magawang alisin ang paningin ko sa kanya. Hihingi ba ako ng tulong sa kanya o hindi?

Alam kong maaaring matunton ulit kami ni Matthew oras na humingi ako ng tulong sa kanya pero pinagkakatiwalaan ko siya at para na rin sa anak ko.

“ALEXA!!!” Tawag ko sa pangalan niya. Napalingon siya sa paligid niya hanggang sa mapunta sa direksyon naming. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. Para siyang nakakita ng multo nang magtama ang mga mata namin. Hindi ko alam kung dahil ba nakita niya kaming ganito ang kalagayan o may iba pang dahilan.

Nang makabawi siya sa pagkagulat, dali-dali siyang lumapit sa amin ni Ayesha na ngayon ay nagkukusot na ng mata.

“My gosh, Zephrine?! W-what happened to you? B-bakit ganyan ang itsura niyong dalawa?” Bungad niya sa amin nang makalapit siya habang pinapasadahan kami ng tingin mula ulo hanggang paa. “Come, kumain na muna kayo. Ano bang nangyari sa inyo dalawa. Tss!” Hinila niya kami patayo sa bench at dinala sa malapit na fastfood.

“A-alexa…” Tawag ko sa kanya habang kumakain kami. Napalingon naman kaagad siya sa akin at saka ngumiti ng bahagya. “A-alam kong pinsan mo si M-matthew but please, don’t tell him na n-nakita mo kaming dalawa ni Ayesha. A-ayoko na bumalik sa k-kanya. S-sasaktan niya ulit kami ng anak ko.” Halos mabasag na ang boses ko habang sinasabi ang mga iyon kay Alexa. Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa ibabaw ng mesa at saka ngumiti sa akin at tumango-tango.

Napangiti na lang ako at bahagya akong nakahinga ng maluwag.

“O-okay. I’m your friend, Zephrine. Syempre, matatakbuhan mo ako kapag may problema ka. I promise, I won’t tell Matthew na nagkita tayo but I insist na sumama na kayo sa akin ng pamangkin ko sa condo unit ko. Dun na lang muna kayo mag-stay para naman makapagpahinga kayong dalawa. Look at yourself. K-kadiri, I-I mean, hindi ako sanay na makita kayong ganyan.” 

Tumango na lang ako sa kanya. Sobrang laki ng pasasalamat ko kay Alex dahil tinulungan niya kaming dalawa ng anak ko. Hindi ko alam kung paano ko masusuklian tong kabutihang ginagawa niya sa amin. May tiwala ako kay Alexa, alam kong hindi niya kami isusumbong kay Matthew. 

ALEXA’S POV:

Kidnapped By My Ex-BoyfriendWhere stories live. Discover now