Chapter 8

13.8K 212 8
                                    

ZEPHRINE'S POV:

“Hinding-hindi ko magagawang saktan ka, Zephrine. Masyado kitang mahal para saktan. Kung sasaktan kita, para ko na ring sinaktan ang sarili ko. Mahal na mahal kita.” Bulong sa akin ni Lurch at saka ako hinalikan sa noo. Napangiti na lang ako at niyakap siya ng mahigpit.

“Mahal na mahal din kita, Lurch.” Tugon ko naman sa kanya. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin at napapikit na lang ako at naramdaman ko ang pagdampi ng mga labi niya sa labi ko.

Napahawak ako sa dibdib ko nang maalala ko na naman ang mga matatamis na salitang binitiwan ni Lurch sa akin noon. Masyado akong naniwala sa mga sinasabi niya na wala naman palang kasiguraduhan. Masyado akong nagpadala sa nararamdaman ko noon para sa kanya. Siguro masyado pa akong bata noon kaya't madali niya akong napaniwala sa mga salita niya.

Ano na ang nangyari sa mga salita niyang yan? Wala. Naglaho na lang ang lahat na parang bula. Lahat ng sinabi niya, naibaon na sa lupa. 

Nakatulala lang ako sa kawalan. Paulit-ulit na binabalikan ng isipan ko ang nakaraan na matagal ko ng gustong kalimutan. Gusto ko ng makaalis sa lugar na to. Pakiramdam ko, pag nagtagal pa ako sa loob nito tuluyan na akong mababaliw.

Kamusta na kaya si Lurch? Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Naiisip niya kaya ako? Ako kasi, walang oras na hindi ko siya naiisip.

Sa loob ng isang linggong pananatili ko dito, wala ni isa sa kanila ang naisipang dalawin ako dito. Wala ba talaga akong halaga para sa kanila? Napailing-iling ako sa naisip ko. Hindi! Busy lang sila kaya hindi pa nila ako nadadalaw. Naupo ako sa gilid ng kama ko at binuksan ang tv. Aaliwin ko na lang ang sarili ko at baka makalimutan ko kahit papaano ang mga problema ko. 

“Lurch Edrian Martinez, napapabalitang nakikipagkita sa sikat na artistang si Savanna Romualdez. Nakita ang dalawa na magkasama sa isang club habang magyakap…” Napatulala na lang ako habang pinapanuod ang balitang yun tungkol kay Lurch. Nangingilid na naman ang luha ko. Isang linggo na halos mabaliw ako kakaisip sa kanya kung ayos lang ba siya, kung kumusta na siya, tapos ganito? Mababalitaan ko na lang na may iba na pala? Naibagsak ko ang remote na hawak-hawak ko at umiyak na ng umiyak.

“Lurch Edrian Martinez, napapabalitang nakikipagkita sa sikat na artistang si Savanna Romualdez. Nakita ang dalawa na magkasama sa isang club habang magyakap…” 

“Lurch Edrian Martinez, napapabalitang nakikipagkita sa sikat na artistang si Savanna Romualdez. Nakita ang dalawa na magkasama sa isang club habang magyakap…” 

“Lurch Edrian Martinez, napapabalitang nakikipagkita sa sikat na artistang si Savanna Romualdez. Nakita ang dalawa na magkasama sa isang club habang magyakap…” 

“Lurch Edrian Martinez, napapabalitang nakikipagkita sa sikat na artistang si Savanna Romualdez. Nakita ang dalawa na magkasama sa isang club habang magyakap…” 

Paulit-ulit kong naririnig sa isipan ko ang mga napanuod ko kanina sa balita. Siguro nga, hindi talaga ako mahalaga. Nagsawa na siya sa akin, ayaw na niya sa akin, hindi na niya ako mahal. Dapat natutuwa na ako ngayon dahil sa wakas, makakawala na ako kay Lurch pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Kung kailan, aaminin ko na sa sarili kong mahal ko pa rin siya hanggang ngayon, kung kailan kaya ko na ulit siyang matuluyin sa buhay ko ganito ang mangyayari? Parang gumuho ang buong mundo ko.

Wala na ba talaga?

Ayoko na.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong silid ko at nakita ko. Para saan pa ang lahat kung puro sakit at paghihirap naman pala ang nararamdaman ko. Wala na ring saysay ang buhay ko. Paulit-ulit naman akong nasasaktan. Sawang-sawa na akong umiyak.

Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak-hawak ko ang isang kutsilyo na nakatapat sa pulso ko. Ayoko na…

JETHRO’S POV:

Naglalakad kami nina Spade sa ikaapat na palapag ng gusali kung nasaan si Zephrine. Hindi ko alam pero hindi talaga ako mapalagay ngayon. Pakiramdam ko may masamang mangyayayari ngayon.

“Dude, bilisan na nga natin. Pakiramdam ko talaga may mali e.” Tumakbo kaagad kami ni Spade hanggang sa makarating kami sa tapat ng kwarto ni Zephrine pero nakalock. Agad kaming humingi ng tulong para buksan yun.

Nanlalaki ang mga mata namin ni Spade sa naabutan namin. Dali-dali akong tumakbo papalapit sa kanya at inutusan si Spade na humingi ng tulong. Nanginginig ang mga kamay ko. Bakit? Bakit niya ginagawa sa sarili niya to?

"Z-zephrine, ano na naman ba tong ginawa mo sa sarili mo? A-alam mo namang a-ayaw kong nakikita kang n-nagkaganito eh."

"Z-zephrine naman! W-wag ka namang nagloloko oh. N-naiinis na ako."

Tinatapik tapik ko ang pisngi niya habang tinatawag tawag ang pangalan niya. Iminulat niya konti ang mga mata niya at saka ngumiti.

“L-lurch…” Bulong niya at saka tuluyan ng nawalan ng malay. Napakuyom ang mga kamao ko. Si Lurch na naman! Siya na lang ang palaging dahilan kung bakit nagkakaganito si Zephrine. Kung kaya ko lang, matagal ko na silang pinaglayo

Ayokong nakikita si Zephrine sa ganitong kalagayan.

ZEPHRINE'S POV

 Napapikit na lang ako habang nanginginig pa rin ang mga kamay kong hawak-hawak ang kutsilyo. Napasigaw na lang ako ng maramdaman ko ang sakit na nararamdaman ko.

Isa-isa ko na namang naalala ang mga nakaraan.

Bigla na lang akong bumagsak sa sahig at unti-unti na akong nanghihina. Wala namang kwenta tong buhay ko kaya mas mabuti na sigurong wakasan ko na lang. Wakasan na nang matapos na lahat ng paghihirap na nararanasan ko ngayon.

Hindi ko na rin kaya…

Narinig ko pang bumukas ang pinto ng kwarto ko at nakarinig ng pamilyar na boses. Tinatapik tapik niya ako at tinatawag ang pangalan ko. Sinubukan kong imulat ang mga mata ko at nakita ko ang mukha ng lalaking mahal na mahal ko kaya napangiti ako.

“L-lurch…”

Akmang hahawakan ko ang pisngi niya pero hindi ko na kaya. Nawawalan na ako ng lakas hanggang sa mawalan na ako ng malay.

-------------------------------------------------

Kidnapped By My Ex-Boyfriend ©2013 All Rights Reserved

Kidnapped By My Ex-BoyfriendWhere stories live. Discover now