Chapter 20

7.1K 115 2
                                    

ZEPHRINE'S POV:

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako mapakali. Kanina pa ako palakad-lakad dito sa sala at kanina pa rin walang tigil ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi pa rin kasi nakakabalik si Matthew at paniguradong hindi pa rin nila nahahanap si Ayesha.

Patuloy lang ang pagdadasal ko na sana walang namang nangyaring masama sa anak ko at sana lang ay mali ang hinala kong si Lurch ang kasama ni Ayesha ngayon. 

Napatingin ako sa labas at nakita kong malapit ng magdilim. Ano na bang nangyari sa kanila? Bakit hindi pa rin nila nahahanap ang anak ko?! Imposibleng nakalayo agad siya dito sa subdivision. 

Halos tumalon na ang puso ko mula sa dibdib ko sa sobrang gulat nang biglang bumukas ang front door ng mansyon at bumungad sa akin si Ayesha na kasalukuyang umiiyak kasunod si Matthew at nakabusangot ang mukha. Dali-dali akong tumakbo papalapit sa kanila at agad na niyakap ang anak ko.  

"M-mommy, s-sorry." Halos pabulong na sabi ni Ayesha sa akin habang nakakulong sa bisig ko at patuloy pa rin sa pag-iyak.

“Saan ka ba nanggaling? Sobrang nag-alala kami ng daddy mo sayo. Akala namin may nangyari ng masama sayo. Don’t do it again, baby. Okay?” Sunud-sunod kong sabi sa kanya habang hinahaplos-haplos ang pisngi niyang basang-basa na ng luha. Napatingin naman kaagad ako kay Matthew na nakatayo lang sa harapan namin at mataman kaming pinagmamasdan.

“Nakita siya ng isa sa mga pulis doon sa may park sa kabilang subdivision. May kasama daw siyang lalaki. Hindi na naming nakita kung sino yung lalaking yun dahil ang bilis niyang nawala nang makita kaming papalapit sa kanila.” Seryosong paliwanag ni Matthew. Lumuhod siya sa harapan naming ni Ayesha para magkapantay silang dalawa.

“Baby, sorry na ha? Daddy’s not mad at you. Masyado lang kaming nag-alala ng mommy mo sayo kanina kaya napagtaasan kita ng boses. Wag mo na ulitin yun, okay? Wag na wag kang sasama sa kahit kaninong hindi mo naman kilala.” Sabi ni Matthew at hinalikan sa noo si Ayesha.

“H-he’s not a s-stranger, daddy…”

“If he’s not a stranger, then tell me, who’s he?”

“H-he’s Daddy L-lurch…” 

 Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko nang marinig ko mismo mula sa anak ko ang pangalan ni Lurch. At tinawag pa niyang daddy?! Nagkatinginan kaming dalawa ni Matthew na parehong hindi makapaniwala sa sinabi ni Ayesha.

“He’s not your daddy, Ayesha. Ako lang ang daddy mo, aryt? From now on, hindi ka na lalabas ng mansyon unless you’re with your yayas. Ayoko ng mauulit to. Are we clear, Ayesha?” Maaawtoridad na sabi ni Matthew kay Ayesha kaya naman napatango-tango na lang si Ayesha sa takot dahil ito ang unang beses na pagbawalan siya ni Matthew. 

Hindi nga nagkamali ang mga naiisip ko kanina. Si Lurch nga ang kasama ng anak ko at hindi imposibleng siya rin ang lalaking nakita kong kasama ni Ayesha sa party na ginanap dito.

Kidnapped By My Ex-BoyfriendWhere stories live. Discover now