MD #4.

3.6K 112 19
                                    

       ****

SHARLENE’S P.O.V

“Shar, iwan muna kita dito. May iba pa akong bibilhin.”

“Bakit mo ako iiwan? Diba nga ako ang nagpasama dito sa’yo sa mall?” Ang duga naman ng Ella na ito, minsan na nga lang ako humingi ng favor. -_-

“Ikaw na lang mag-isa bumili ng school supplies mo, ilang piraso lang naman yun eh.”

“Sige na nga.” Sabagay at ng makapagikot-ikot na din. Nakakamiss ding mag-shopping sa Pilipinas. Time check. 5:30 pm. Hapon talaga kami pumunta ni Ella kasi biglaan din eh. Hindi naman siguro ako aabutan ng closing. Hayaan mo na nga!

ELLA’S P.O.V

“Pandak!” Okay, kilala ko na kung sino yung tumatawag.

“Wala akong pake! Psh. Buti at pumayag si Sharlene na humiwalay ako sa kanya. Ano ba bibilhin natin?” Yep, bibili kasi kami ni Francis ng regalo para kay Sharlene kasi birthday niya bukas.

“House and lot para astig!”

“Kung sipain kaya kita sa ibang planeta?” Inirapan ko na lang siya. Alam kong corny ako pero mas corny siya!

“Sa Department Store na lang tayo.” Sinundan ko na lang siya hanggang makapasok na nga kami sa loob. May nakita naman akong cute na yellow dress na above the knee.

“Itutulad mo si Sharlene sa’yo. Hindi magsusuot ng ganyan yung babaeng yun!”

“Edi hindi! Kung ito na lang kaya?” Dinampot ko naman yung dress na mahaba yung sleeves.

“Ganyan din yun! Maikli pa rin kahit anong mangyari. Lakad lakad pa tayo!”

“Okay, magaling ka eh. Edi ikaw masusunod! Psh.” Ako naman ang sinamaan niya ng tingin. Huwag kayong mag-alala, ganito lang talaga kaming dalawa.

“Wow!” Kumuha naman siya ng Spiderman T-shirt.

“Yan ang ipapasuot  mo kay Sharlene? Sabagay, mahilig sa superheroes yung babaeng yun.”

“Hindi ko ito bibilhin para kay Sharlene, bibilhin ko ito para sa sarili ko. Ang cool kaya!” Binatukan ko siya ng malakas.

“Ano akala mo? Ikaw ang may birthday at bibilhan mo sarili mo? Si Sharlene ang may birthday, hindi ikaw! Okay?!”

“Mayroon naman para sa babae eh. Ano mas bagay kay Shar? Itong si Spiderman o si Ironman?” Pinamili niya ako sa Spiderman na hawak niya sa kanan at Ironman sa kaliwa.

“Ewan? Parehas namang bagay kay Sharlene yang si Spiderman at si Ironman eh.” Totoo naman kasi, mahirap magsalita ng hindi tapos.

(A/N: Ella! Mukhang iba ang tinutumbok mo sa mga sinasabi mo ah. XD Jk! Naki-epal lang ako sa story. Haha!)

“Ella. Ikaw ba yan? Long time no see ah.” Tumingin ako sa lalaking nagsalita sa tabi ko.

“Paul?”

JAIRUS' P.O.V

“Pare! Diba yun si Sharlene?” Itinuro sa akin ni Evora yung babaeng kakapasok pa lang dito sa Music Store. At tama nga, si Sharlene nga yun.

Magical Downfall. (NashLene & JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon