MD #17.

2.8K 124 61
                                    

SHARLENE’S P.O.V

“Hmm. The last time I checked, ako yung King eh.”

As if namang inaagawan talaga siya ng pwesto bilang King.” pabulong na sabi ko. Sapat na para marinig ni Jairus dito sa tabi ko.

“Wow! Kuya poging kagaya ni Kuya Jairus, King din po kayo? Yehey! Dalawa na ang King ni Queen Sharlene ko!” Nandito pa pala si Venus at narinig pa niya ang pinagsasabi ng lalaking ito. Naku! Baka mahawa ang batang ito kay Nash ah, maging epal balang araw. Lord! Huwag naman po sana!

“Alam mo baby girl, hindi pwedeng dalawa ang maging King ni Queen Sharlene mo. Bawal yun!” paliwanag ni Jairus sa kanya. Oh! Ano pinaglalabang ng isang ito?

“Eh Kuya Jairus, sino po ba talaga ang King sa inyong dalawa?” Nagkatinginan si Jairus at Nash sa likod ko. Bakit ba ganito kahihirap ang tanong ng mga bata, eh wala naman talaga yung tamang sagot?

“Alam mo Venus, si Kuya Nash mo talaga ang totoong King at si Kuya Jairus mo naman ang Jack.”  Ako na mismo ang sumagot at nag-handle ng situation.

“Hala! Akala ko naman po may King Jairus na ako. Pero okay lang pong si Kuya Nash na lang ang King at ikaw po ang Queen ko. Eh Ate Sharlene, ano po ba yung Jack?”

“Mahirap i-explain, Venus. Haha! Sorry ah, hindi din ako yung totoong Queen at makikilala mo lang siya someday. Si Ate Alexa mo ang Queen ng King Nash mo.” Ang hirap naman ng kalagayan ko ngayon, para akong nasa hot seat.

“Sus! Hindi kaya siya.” bigla-biglang singit ni Nash sa usapan.

“Hah? Anong ‘hindi kaya siya’?” tanong ni Jairus. Buti naman siya na ang nagtanong nung tanong ko. Takang-taka na rin ako sa pinagsasabi nito ah. Lumapit siya sa aming dalawa ni Jairus at saka ibinulong,

“Si Alexa kako, hindi kaya siya makakapunta dito. Alam niyo naman siguro kung gaano kaarte yun, diba?” Ah, yun naman pala eh. Bakit parang iba iniisip ko kanina sa ibig sabihin niya? Aish! Tama na nga Sharlene!

“Sige po Ate Sharlene, Kuya Jairus at Kuya Nash, pasok na po ako sa loob. Sana nga po maging Princess talaga ako balang araw!” sabi ni Venus bago pumasok sa loob ng ampunan.

    ****

NASH’S P.O.V

“Sharlene at Jairus, kumain na ba kayo?” tanong ko sa kanilang dalawa.

“Hindi pa kami kumakain ni Sharlene. Nga pala, next activity natin ay pakainin yung mga bata. Pumasok na rin tayong tatlo sa loob.” Mabuti pa si Jairus sinasagot ang tanong ko samantalang si Sharlene nakatingin lang sa malayo. Akala ko pa naman nakalusot na ako kanina at okay na ulit kaming dalawa.

“Ito na tinapay at chocolate drink mo oh.” Binigay ko na yung pagkain sa isang batang lalaki. Nagpapamigay kami ng meryenda sa mga bata ngayon. Si Jairus at Sharlene? Ayun! Magkasama sa isang table na nagpapamigay samantalang ako, nagsosolo lang.

Dapat talaga hindi na ako pupunta dito kasi alam ko namang iinit ang ulo ni Sharlene kapag nakita ako eh. Nakaka-imagine lang ako ng mga bagay-bagay na ginagawa ni Jairus at Sharlene kaya kahit imagination lang yun, nagseselos pa rin ako, ugh! Kaso napasama pa yata ang pagpunta ko dito kasi yung mga imaginations ko, nagiging live na!

Nagtatawanan sila parehas at nagkwekwentuhan. Napapansin ko din these few days na mukhang close na close na sila at parehas magaan ang loob nila sa isa’t-isa. Aminado naman akong karibal na talaga ang turing ko kay Jairus simula pagkabata at ni-minsan, hindi pumasok sa isip ko na magiging karibal ko din siya pagdating kay Sharlene. Pero bakit ngayon ito na ang bumabagabag sa isip ko?!

Sa mga ngiting pinapakita ngayon ni Sharlene, naaalala ko yung mga ngiting pinapakita niya palagi sa akin at kung paano ko sinira ang mga ngiti na yun.

*flashback*

“Hulaan mo kung sino ‘to!” May biglang tumakip sa dalawang mata ko at sa boses pa lang, kilalan-kilala ko na.

“Shar, pakitanggal na muna yung dalawang kamay mo. Please! May tinatapos pa ako.”

“Sorry Nash! Akala ko kasi hindi ka busy eh.”

“May nakikita ka na ngang isinusulat ko tapos akala mo pa rin hindi ako busy. Ano bang ginagawa mo dito?” Tinatapos ko kasi yung magiging program para sa school next week at napre-pressure ako. Dalawa kasi kaming pinaggawa ni Lola at kung ano ang mas better, yun ang pipiliin.

“Sorry ah, sorry at pinuntahan kita dito sa Academy para kamustahin. Sorry talaga ah, sorry talaga kung kinakamusta ko yung boyfriend ko.” Lumabas kaagad ng pinto si Sharlene at tinampal ko ang ulo ko. Ano na naman bang katangahan ginawa ko dahil sa takot kong maapawan? Tumakbo ako ng mabilis at hinabol si Sharlene.

“Sharlene, sorry. Kailangang-kailangan ko lang tapusin yung ginagawa ko kasi kailangan ng ipasa yun ngayon. Babawi ako next time. Promise and sorry talaga!”

“Nash, hindi ako galit. Pinipilit ko namang intindihin kahit hindi ko na alam kung ano ang nagyayari sa’yo. Okay? Kaya tapusin mo na yung ginagawa mo at bumalik ka na sa office mo. Fighting!” She smiled at me, a sad one. Wala na akong nagawa nung mga oras na yun kaya sinuntok ko na lang ang pader sa tabi ko. Yung ugali ko kasi eh! Bakit ganito?!

*end of flashback*

Isa pa lang yan sa libo-libong hindi magagandang nangyari nung kami pa ni Sharlene. Napapaisip tuloy ako, mababalik pa kaya yung masayang kami ni Sharlene? Hay ewan! Dapat munang mapatawad niya ako sa kasalanang hindi ko naman talaga ginawa.

“ARAY! ANG SAKIT!” Sa kaka-emote ko dito, nahiwa na ng cutter yung kamay ko. Binubuksan ko kasi yung pack ng tinapay at nagdire-diretso yung hiwa ng cutter sa kamay ko. Ang hapdi! Hooooh! Mahugasan nga muna!

    ****

“Salamat Sharlene, Jairus at Nash. Ipaabot niyo na din ang lubos na papasalamat ko sa Lola inyong dalawa. Nag-enjoy ang mga batang kasama kayo at sana may next time pa daw. Ingat kayo sa pag-uwi ah.” sabi ng isang madre sa amin at lumabas na nga kaming tatlo.

Sumakay kaagad sa taxi si Sharlene at kaming dalawa ni Jairus ay may sarili namang dalang kotse. Chineck ko ung cellphone ko sa bag ng may mapansin akong bandaid.

“Oh? Saan galing itong bandaid? Wala naman akong dalang ganito ah!” Oo, kinausap ko talaga sarli ko. Ang abnormal kasi eh! Nanganganak ba ng bandaid yung bag ko? Bahala na, mailagay na nga lang sa sugat ko!

    ****

A/N: Hello guys! Sabi ko wala na munang author’s note pero obvious naman na naglagay ako ngayon. XD Thankyou talaga ng marami sa pag-follow sa akin, pag-read at pag-comment sa story ko simula sa The Prince’s Spell hanggang dito. Pinapakilig niyo ako, sobra! <3 Sa mga nagpapadedicate po pala, iba-base ko sa mga nauna. Okay? Yung mga nag-request po, hintayin niyo na lang. :) Yun lang, trip ko lang maglagay ng AN sa chapter na to kasi ang lame niya eh. Mianhe~ :D 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 30, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Magical Downfall. (NashLene & JaiLene)Where stories live. Discover now