MD #16.

1.9K 91 16
                                    

SHARLENE'S P.O.V

"Sharlene, pwede ba tayong mag-usap?" Nilagpasan ko lang siya at hindi pinansin. Wala akong pakielam sa kanya, wala!

"Oy Shar! Kausapin mo naman ako oh. May kailangan akong ipaliwanag." The doodle says it all. Wala na kaming kailangan pag-usapan. Oo, alam kong ang babaw na dahilan yun pero kailangan ko lang ulit ng panahon para makapampalamig ng ulo at mapatawad siya. Parang yung move on stage.

"Ano ba gusto mong gawin ko para makinig ka sa akin?" Sinusundan pa rin niya ako kahit na anong bilis ng lakad ang gawin ko. Mapagod ka dyan Aguas!

    ****

NASH'S P.O.V

Sinunod ko ang payo ni Ella, habulin ko lang daw at saka humingi ng sorry. Masasabi kong effort na talaga itong ginagawa ko kasi kanina ko pa siya sinusundan kahit na napakabilis ng lakad niya.

"Sharlene naman---Pfffft!" I just covered my mouth and tried my best not to laugh. Masama na kung masama kung sabihing karma niya ito kasi hindi niya ako pinapakinggan. Masyado din kasing mabilis ang pangyayari at napansin ko na lang na nagdapa na siya sa unahan ko. Tutulungan ko na dapat siyang tumayo kaso tumayo na siyang mag-isa at nahuli niya akong nagpipigil ng tawa.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya. But I made a wrong choice of question, sumama na talaga ang tingin sa akin ni Sharlene. Sino nga bang tao ang magiging okay pagkatapos madapa at nakita pa ng ibang students sa hallway?

"Oo. Okay ako! Okay talaga ako Aeign Zackrey Nash Victoriano Aguas!" Tumaas bigla ang mga balahibo ko. I just turned Sharlene into a beautiful yet scary monster dahil sa mga pinaggagawa ko!

    ****

JAIRUS' P.O.V

From: Lola

Apo, go to my office. Now!

Dahil may exclamation point sa dulo ng text sa akin ni Lola, agad-agad kong hininto ang ginagawa ko at sinunod ang utos niya. 

Habang naglalakad ako, napansin ko si Sharlene na nakakunot ang noo and her fists are closed. Mananapak yata?! Gusto ko man siyang sundan para tanungin kung ano ang nangyari kaso natatakot ako dahil hindi naman ako tinetext ni Lola kapag alam niyang class hours ko. I guess this is a serious matter.

"Lola, bakit niyo po ako pinatawag?"

"Well, tradition na ng School na kada taon, may ilang students na pupunta sa bahay ampunan para mag-abot mg donations at pasiyahin ang mga bata. This year, sa'yo, kay Sharlene at Nash ko inatas ang mga ito. Gustuhin ko mang isama si Ella at Alexa, alam kong hindi papayag yung mga kababata niyo na yun."

"Sige po Lola, alam niyo namang I really like kids. Kailan po ba kami pupunta?"

"I already scheduled it tomorrow pero ang sabi sa akin ni Nash, hindi pa niya alam kung makakasama siya. Hindi na daw siya sure kung buhay pa siya after niyang sumama bukas for some reason. Kinda weird lang! Alam mo ba ang dahilan?"

"I don't know anything Lola. Sige po, sasabihan ko na lang si Sharlene." Takot na Nash Aguas? Nanggagalaiti sa galit na Sharlene San Pedro? Hmm. Connected!

    ****

"Wow! Ang dami namang donations nito!" manghang-manghang sabi ni Sharlene. Mukhang maaliwalas na ang mukha niya ngayon kesa kahapon ah. Mabuti naman!"

Magical Downfall. (NashLene & JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon