MD #15.

2.7K 113 39
                                    

         ****

SHARLENE'S P.O.V

"Mommy, aminin mo nga. Gaano po ba ako kapanget?" Naibuga ni Mommy yung tubig na iniinom niya. Hay naku! Mabuti na lang at malayo ako sa kanya!

"Ano ba yang pinagtatanong mo Sharlene? Napapano ka na ba?" sasagutin ko na sana siya ng biglang may tumawag sa viber ni Mommy. Yehey! Si Daddy yan! Hindi ko pa pala nakukuwento sa inyo, si Daddy ay nagtra-trabaho sa ibang bansa at maganda ang position niya kaya angat kami sa buhay.

"Ayos lang kami, itong anak mo yata ang hindi ayos eh." Umuuwi naman every 6 months si Daddy kaso hindi kami nagkita ng 2 years dahil sa Paris nga ako nag-aaral. Nakakamiss lang talaga siya! 

"Ano ka Mommy? Nasa maayos na katinuan pa naman po ako ah!" 

"Ikaw nga ang kumausap sa anak mo. Ikaw naman Sharlene, ikaw ang magtanong sa Daddy mo ng tinatanong mo sa akin kanina." Binigay ni Mommy sa akin yung phone at ako na nga ang nagtanong kay Daddy.

"Daddy, gaano ba ako kapanget?" 

"Hey you! Give back our daughter!"" 

"Daddy naman, hindi ako nagbibiro noh?"

"Sino ba nagsabing panget ka? Sharlene, you're beautiul inside and out. Manang-mana ka sa Mommy mo pero huwag mong sasabihin sa kanya na sinasabi ko sa'yo to ah. Baka lalong mainlove sa akin yun. If others say that you're ugly, kill them with your beautiful smile. Or do you want me to buy them some eyeglasses? What do you want Princess?" Ang sweet naman ni Daddy. Pero wala namang nagsasabi na panget ako, pinapalabas lang na isa akong animal na demonita. -_-

"No need, I'll just kill that person with my gorgeous smile. Ugh!" Saka ayos lang Daddy, magdamag ko ng pinapatay sa utak ko ang lalaking yun kaya nga hindi ako nakatulog eh. Lord! Patawarin niyo po ako sa napakabigat na kasalanan na ginagawa ko ngayon!

"Sharlene may pasok ka pa, magpaalam ka na muna dyan sa Daddy mo." 

"Sige daddy, next time na lang ulit. Bye! Miss you! Love you!" Binigay ko na yung phone ni Mommy at nagpaalam na din sa kanya. Huwag lang sana mukha ni Nash bumungad sa akin pagkapasok ko mamaya!

    ****

Magical Downfall. (NashLene & JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon