MD #14.

2.5K 93 12
                                    

    ****

SHARLENE’S P.O.V

From: 0926xxxxxxx

Good Morning Ms. San Pedro! Pinapabalik po ang lahat ng SC Officers ngayong araw. Good day!

 

Ganito ba talaga ka-busy maging member ng Council? Pati walang pasok na araw kukuhanin sa akin? Nasaan ang katarungan? Baka nasa Mars?! Nah. Matawagan na nga muna si Ella!

“Good Morning Sha-sha!”

 

“Anong Sha-sha? Oy Ella! Ako ito, si Sharlene!” Pinagsasabi ng isang ito?

“Sha-sha shortcut sa Sharlene. What’s up ba? Bakit ka napatawag?”

“Pinapabalik daw tayo sa academy ngayon ah. Babalik ka ba?”

 

 

“No way! Saka may lakad ako ngayon eh.”

 

 

“Anong lakad? Huwag mong sabihing may date ka?” Matagal siya bago makasagot sa kabilang linya. Mukhang may date nga si Ella ah. Sino naman kaya?

“Hehe. Parang ganun na nga nga. Next time ko na lang ikukuwento sa’yo! Ikaw ba? Pupunta ka ba ng school ngayon?”

 

“Ikuwento mo yan kapag nagkita tayo ah! Luma-lovelife ka na pala ng hindi ko nalalaman. Oo, punta ako ngayon. Actually, maliligo na nga ako eh.”

 

 

“Oh I see, goodluck na lang sa’yo Sha-sha!” Inspired nga ang luka. Pero para saan yung goodluck? May masama bang mangyayari kapag pumunta ako ng school? Ewan! Makaligo na nga lang!

    ****

Binubuksan ko yung room ng Council pero ayaw magbukas. Wala pa bang tao sa loob? Kinapa-kapa ko yung bulsa ko ng maalala ko na may susi nga pala ako sa kwartong ito. Binuksan ko yun at wala nga sila. Nasaan ba nagpunta yung mga tao dito? Kanina pa yung text ah.

“Hello Miss! Bakit po kayo nandito?” May janitress na may dala-dalang mop at timba ang pumasok din sa loob ng Council Room.

“May nareceive po kasi akong message na pinababalik po lahat ng students ngayong araw. Bakit po?”

 

 

“Edi maglilinis po kayo? Wow! First time in history po.” Nakita ko na nagliwanag ang mukha ni Ateng Janitress.

Magical Downfall. (NashLene & JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon