MD #8.

2.9K 86 5
                                    

    ****

SHARLENE’S P.O.V

“Sharlene! Ano ka ba namang bata ka?”

“Sorry po Mommy! Mauna na po ako.” Bakit ba kasi di ko narinig yung ring ng alarm clock ko. Sanay pa rin kasi ako ng timezone ng Paris eh, yan tuloy. Hay! It’s official! Papasok na ulit ako sa Imperial Academy!

“Naku bata ka! Wala ka talagang pinagbago oh. Grow up naman Shar!”

“Opo Mommy, I promise that I’ll be a good girl na.” Nag-pout pa ako para magpa-cute kay Mommy bago tuluyang lumabas ng bahay.  Sakto namang may taxi pagkalabas ko kaya agad ko yung pinara at sumakay na! Sana makaabot pa ako! Ilang minuto ng biyahe ay nakarating na kaagad ako at ng kapain ko yung bulsa ko,

“Patay!” Aish! Yung wallet ko nawawala!

“Miss, anong patay?” Naku! Anong gagawin ko? Kinapa-kapa ko yung loob ng bag ko para hanapin yung wallet ko.

“Kuya, nawawala po kasi yung wallet ko. Teka lang po! Hahanapin ko lang po.” sabi ko habang todo hunting pa rin ako sa wallet ko. Saan ba kasi napunta yun?

“Paano na yan Miss?” Saka naman nag-sink in sa utak ko na naiwan ko yata yung wallet sa dining tabe namin. Kapag minamalas ka talaga oh! Mukhag kailangan kong bumalik sa bahay.

“Kuya! Balik na lang po tayo sa bahay namin. Pasensya na po!” Bigla namang may nagbukas ng pinto ng taxi.

“May problema po ba Manong?”

“Sino ho kayo?” tanong ni manong driver. Woah! Bakit siya nandito?

“It’s not a big deal. Ano po ba ginawa ng babaeng ito sa inyo?” Sabay turo niya s a akin.

“Kasi ho Sir, nakalimutan daw po niya yung wallet niya kaya di po siya makapagbayad.” He handed 500 pesos sa taxi driver. Ang yaman talaga niya! As-in!

“Ito po sukli niyo.”

“Keep the change na lang po. Payment din po yan sa sakit ng ulo na binigay niya sa inyo.” Nagulat ako sa mga sinabi niya. Seriously? P500? At tinuro na naman niya ako. Dang! Eh sa nakalimutan ko nga yung wallet ko eh!

“Seryoso po kayo?” He nodded at saka niya ako tinanong,

“Hindi ka pa bababa dyan?”

“Pero…”

“Anong pero, pero?” Hindi na ako pumatol pa, gusto niyang ibigay yung 500 ng basta basta eh. Bumaba na rin ako sa taxi.

“Thank you! Babayaran na lang kita.” sabi ko sa kanya habang sabak kaming naglalakad.

“Hindi na kailangan.”

“Ang bait natin ngayon ah.” sabi ko using a mapang-inis tone.

“Talaga? Matagal na kaya akong mabait.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

“Wow ha!” Hindi ko pa sinara ang bunganga ko pagkatapos. Wala lang, trip ko lang siyang asarin.

“Kung hindi ako mabait, hindi ako mag-aalala sa’yo kasi hindi ka pa bumababa dyan sa taxing sinasakyan mo, nakita kasi kitang sumakay  sa taxi sa harap ng bahay niyo. Kung hindi ako mabait, hindi ko bubuksan yung pinto at babayaran yung driver kasi wala kang perang dala. Kaya in one way or another, talagang mabait ako. Bitter ka lang yata eh.” with matching twitch pa ang labi niya.

Magical Downfall. (NashLene & JaiLene)Where stories live. Discover now