MD #11.

2.5K 85 9
                                    

   

    ****

ALEXA’S P.O.V

“Ano Lex? Pinahiram sa’yo yan ni Sharlene? So she’s really an angel huh.”

“Bukal kaya yang pagpapahiram niya sa’yo? Haha!” Ang aga-aga ang mga bunganga nitong mga kaibigan ko! Sus! -_-

“Bukal man o hindi, thankful ako at pinahiram niya sa akin itong t-shirt. Nakakahiya kaya kapag nakita akong palakad-lakad na may mantsa ang uniform sa campus.”

“Protecting your name as the school’s queen?” bumuntong hininga ako bago sila sagutin.

“Yes, in one way or another. Kaya kayo na ang magsauli nitong t-shirt kay Sharlene, blockmate niyo naman siya diba?”

“What? Ikaw ang humiram niyan saka magkikita naman kayo sa Council Room ah. Sumosobra ka na yata sa kanya Alexa. ” Time na kasi nila kaya lumarga na sila. Iwan daw ba ako dito? Tsk! Paano ko ibibigay kay Sharlene ito? Nahagip naman ng mga mata ko si Ella kaya tinawag ko na lang siya.

“Ella!” Tumigil naman siya sa paglakad kaya nilapitan ko siya at inabot yung  t-shirt ni Sharlene.

“Para saan yan? Meron akong sariling t-shirt, hindi ko kailangan yan.” Ngumiti ako ng pilit sa harapan niya. Pinapalabas ba niya na binibigay ko sa kanya yung t-shirt bilang donation? Kaya ayoko itong kausapin eh, hindi ko talaga siya feel.

“Hindi ko naman binibigay itong t-shirt sa’yo, hihingi lang sana ako ng favor. Sorry kung feeling close ako ah.” Hindi naman kasi talaga kami close nitong si Ace, wala kaming pakielamanan sa Council. Si Nash lang kasi ang pinapakielamanan ko. Si Nash at Nash lang!

“Anong favor naman yan?”

“Pwedeng pakibalik itong t-shirt kay Sharlene? Close naman kayo diba?” Isa pang dahilan kaya hindi ko binalak na maging kaibigan siya ay dahil close sila ni Sharlene. Baka kung ano pang madaldal ko dito at masira ang pangalan ko sa buong school.

“Bakit napunta sa’yo yang t-shirt ni Shar?”

“Nagtimpla kasi ako ng kape kaso natapilok ako kaya tumapon sa akin yung kape. Pinahiram niya sa akin ito kasi wala akong dalang extra t-shirt.”

Magical Downfall. (NashLene & JaiLene)Where stories live. Discover now