MD #5.

3.3K 111 14
                                    

    ****

JAIRUS’ P.O.V

“Sorry Sharlene! Sorry! Sorry talaga!” Yan na lang ang nasabi ko pagkatapos kong mainuman yung softdriks ni Sharlene. Ay mali! Yan na lang ang nasabi ko pagkatapos kong maibuga yung softdrinks sa mukha niya. Asus!

“Sharlene, ito tissue oh. Ay! Ibibili na lang kita ng panyo. Sorry talaga!” Bakit ko ba kasi naibuga yung softdrinks? Dahil ba sa naisip ko na indirect kiss yun? Ito ako ngayon, tarantang-taranta at napapa-facepalm na lang. Hindi pa sumasagot si Sharlene, mukhang galit yata siya.

“Sorry talaga, napaka-clumsy ko.” Pangatlong ulit ko sa kanya.

“Ano ba? Hindi ka ba titigil kaka-sorry dyan? Ayos lang, aksidente lang naman ang nangyari. Huwag mo na lang uulitin next time. Malagkit sa mukha eh. Haha.” Kumuha sIya ng panyo at pinunas sa mukha niya. Naku Jairus! Kamalasan yata ang nangyayari sa’yo ngayon eh.

    ****

ELLA’S P.O.V

“Paul?” Tama, si Paul nga ito. Classmate and at the same time, inaadmire ko nung highschool pa lang ako. Ang gwapo pa rin niya. Haha!

“Yes. Paul Salas na Paul Salas pa rin. Haha! Saan ka na nag-aaral ngayon? Wala na akong balita sa’yo ah.”

“Sa Imperial Academy ako nag-aaral.”

“That’s nice ah. Labas tayo minsan, namimiss ko na yang childish na ugali mo. Haha!” Yikes~ Kinikilig ako! Jk! Parang ang l*ndi ko lang.

“Ito naman. Haha. Ako din namimiss ko na yang kalakasan ng trip mong mambola.”

“Are you busy? Wanna grab some drinks?” tanong niya sa akin. Bigla ko naman naalala na tapos na kaming mamili ni Francis ng regalo para kay Sharlene kaya lumapit na ako kay Francis at nag-abot ng pera.

“Ikaw na bahala dyan, bayaran mo na lang sa cashier.”

“Hati tayo sa bayad diba?” sagot sa akin ni Francis.

“Saka mo na lang ako bayaran. Sasamahan ko muna itong classmate ko dati. Sorry ah! Sige, bye!” saka na kami lumakad ni Paul papalayo pero narinig kong tinatawag ni Francis ang pangalan ko.

“E-Ella-la.”

Magical Downfall. (NashLene & JaiLene)Where stories live. Discover now