MD #1.

5.2K 134 29
                                    

    ****

 SHARLENE’S P.O.V

Akalain niyo yun? Nasa likod na ako at nahaharangan ng maraming tao, nagkatinginan pa kami? Pero imposible naman siguro, guniguni ko lang yun. Wala namang eye power si Nash eh. Pero nung tignan ko ulit siya, nakatingin pa rin siya sa akin.

 

 

Kaso nilapitan na siya ni Jairus saka sila lumakad papalayo. Susugurin na kaya sila ng mga fangirls nila eh nakatayo pa rin siya at nakatingin sa akin. Nanunura lang yata ang isang ito eh. Nagulat ba siya na ngayon lang niya ako nakita after 2 years? Ganun pa naman din ako ah, gumanda nga lang! Dejk! Haha.

Pumasok muna ako ng CR para mag-ayos ng gamit ko. Kaso ng pagkapasok ko, nakita ko si Alexa o ang “Queen” kasama ang mga alipores niyang makakapal ang make up na nagreretouch. Hindi pa ba sila kunteto sa make up nila?   

Kung nagtataka kayo kung bakit kilala koi tong babaeng ito. Siya lang naman kasi ang napapabalitang girlfriend ni Nash nung time na ako talaga ang girlfriend niya at ang babaeng hahalikan ni Nash noong time na nag-break kami.

ALEXA’S P.O.V

 

 

Nagulat na lang ako sa babaeng tumabi sa akin sa CR, si Sharlene San Pedro. Mabuti na lang at matatapos na kaming mag-ayos kaya mga ilang segundo lang ng pagkadating niya, nakaalis na kami kasama ng mga kaibigan ko.

“Kailan pa bumalik yung babaeng yun Lex?!” tanong sa akin ni Cath, isa sa mga kaibigan ko.

“I don’t know and I don’t care!” maarteng sagot ko sa kanila. Totoo naman eh, akala ko forever na sa Paris yung babaeng yun! Tsk!

“Wari ka pa Lex, may karibal ka na naman kay Nash. Haha. Paano kung magkabalikan yung dalawa? Ano gagawin mo? Papainumin mo na naman ng alak si Nash? Haha.”

“Shut up! Tatapalan ko ng masking tape yang bibig mo Cath!” nag-peace sign na lang sa akin si Cath.

 

Oo, napainom ko nga ng alak si Nash dati kaso hindi ko naman alam na alak yung nakalagay sa table noong school festival. Para pala sa Professors yung section ng liquid na yun. Hindi ko talaga alam! Promise!

*flashback*

 

 

Kaya ilang minuto ang lumipas nung inabutan ko siya ng inumin na hindi ko naman alam na alcohol na pala, lumapit siya sa akin at saka sinabing:

"Mahal kita! Mahal na mahal kita!" tuwang-tuwa naman ako noong naring ko sa kanya yan. Paniwalang-paniwala kasi ako. Magkaibigan kasi ang pamlya namin ni Nash kaya simula bata pa lang, gusto ko na siya. Kahit na minsan lang kami makapag-usap. Minamahal ko siya sa malayo. At alam kong totoo itong nararamdaman ko.

Magical Downfall. (NashLene & JaiLene)Where stories live. Discover now