MD #3.

3.7K 114 17
                                    

    ****

SHARLENE'S P.O.V

"Hello Ella! Napatawag ka bigla?" Kauma-umaga tumatawag kaaagad ang babaeng ito. Wala ba itong pasok?

"Wala lang! Papasok na kasi ako sa school eh. Grabe yung ginawa mo kahapon ah!" Palagay ko ang tinutukoy nito yung panloloko ko kay Nash! Haha!

"Hindi ka pa ba sanay sa akin? Malakas talaga trip ko!"

"Oo na, oo na. Gala ka ulit sa school ngayon at ng makausap kita ng matagal. Please!" Friday ngayon. Hindi pa naman ngayon pasukan ko eh, next week pa. Oo, at next week din makakasalamuha ko na palagi ang magpinsan na Nash at Jairus. Ewan ko, parang hindi ko sila feel. -_-

"Ayaw ko nga, tinatamad ako." 

"Please na! Itotour kita sa school. Pumunta ka na, please! Iiyak ako dito!" 

"Huwag mo akong daanin sa drama Ella, walang epekto sa akin yan." Bigla namang bumukas yung pintuan ng kwarto ko at nasa harapan ko na yung babaeng kausap ko sa cellphone. Wala talaga akong takas sa isang ito. In-end call na niya at dumire-diretso na siya sa closet ko at naglabas na damit.

"Isuot mo na yan at pupunta na tayong school sa ayaw mo at hindi." Hindi naman ako kailangang itour sa Imperial Academy eh, ganun pa naman din ang itsura saka para namang hindi ako nag-aral doon dati? Pumayag na din ako kay Ella kasi paniguradong hindi ako tatantanan ng babaeng ito. Mapapagod lang ako kakaayaw.

    ****

 "Daan muna tayo ng Council Room. May ilalapag lang ako. Wala naman yung Professor namin sa first subject kaya pwede pa kitang ilibot." Pumasok na nga kami sa sosyal nilang kwarto. Wala namang ibang tao maliban kay Alexa.

"Good Morning Alexa!" 

"Good Morning din Ella!" Nginitian ni Alexa si Ella. Ang ganda nga niya, kaya siguro mas pinili siya ni Nash. Pero hindi naman daw mag-syota si Nash at Alexa sabi sa akin ni Ella at ang alam niya ay magkaibigan lang families nilang dalawa. Wala naman daw silang pakielamanan sa Council kaya wala siyang alam sa dalawang ito pati kay Jairus. Ang mysterious daw nung tatlo. At wala na din akong pakielam noh? Hindi ko na nga sila pinakielamanan simula nung mag-break kami ni Nash! 

"Tayo na ulit Sharlene!" Bago uli kami lumabas, napalingon na lang ako sa pwesto ni Nash at Jairus. Palagay ko umattend na sila ng first subject nila at kung may pasok na ako ngayon, isa nga sa kanila ang kaklase ko.

"Ohoy! Sino yang hinahanap mo?" 

"Wa-wala ah." 

"Weh? Hindi lang pwesto ni Nash ang sinulyapan mo ah. Pati pwesto ni Jairus." Binigyan ko na lang siya ng "Edi-huwag-kang-maniwala-face" Lahat na lang yata binigyan niya ng meaning!

"Eh kasi sinabi din sa akin ni Nash na baka siya daw o si Jairus ang magiging madalas na kaklase ko next week." Inalog-alog ako ni Ella bago siya sumagot sa akin.

"TALAGA?! Ang exciting ah! Nash at Jairus? NashLene at JaiLene? Omo~ Bagay! Haha!" 

"Pinagsasabi mo? Tantanan mo nga ako. NashLene at JaiLene? Pwe! Hindi bagay!" Talaga namang hindi bagay eh. Saka dinamay pa niya si Jairus, wala namang kinalaman dito yung tao eh. 

    ****

JAIRUS' P.O.V

 "So pare, nagpakilala ka na pala sa kanya." sabi sa akin ng bestfriend ko, si Christopher Evora, pagkatapos kong ikuwento na nagpakilala na ako kay Sharlene. Kilala ko naman talaga si Sharlene noon pa man eh, nagkunwari lang akong hindi ko siya kilala para makipagkilala din ako sa kanya formally.

*flashback*

"Jairus. You'll meet her soon. Malapit na uli ang pag-uwi niya dito sa Pilipinas." sabi sa akin ni Lola.

"She studied in Paris for 2 years, diba po?!"

"Yes. Keep in mind na ang mga babaeng kagaya niya ang gusto ko. Hindi naman sapilitan ito hijo, pero keep an eye on her. She'll definitely interest you." Hindi daw sapilitan, pero sapilitan na nga itong pinagagawa ni lola sa akin? Medyo lokohan lang? 

"Okay Lola. I'll keep that in my mind." At dahil nga sa mahal ko si Lola, um-oo na lang ako sa lahat ng sinasabi niya kahit na imposible yun lahat.

*end of flashback*

"Pero Jairus, ang weird din mag-isip ng lola mo. Ano akala niya? Nasa teleserye kayo at kaya niyang kontrolin ang buhay ni Sharlene para magkatuluyan kayo? Haha! Hindi pwede yun sa totoong buhay! Ang weird lang talaga! Haha!" May point nga si Tope, ang weird talagang mag-isip ng Lola namin ni Nash. 

"Hayaan mo na lang! Sasakyan ko na lang si Lola. Trip trip lang kahit na imposibleng magkatuluyan kami nung Sharlene na iyon at maging asawa ko balang araw!" Yun naman talaga ang main point kaya sinasabi sa akin ni Lola yan eh, ang magkatuluyan kami ni Sharlene. Hindi niya kayang kontrolin ang buhay ni Sharlene kahit na pinag-aral niya yun sa Paris.  Ang mga matatanda talaga kahit minsan!

"Huwag ka lang masosobrahan sa laro Jairus. Minsan na ding napaibig ng Sharlene na yun ang pinsan mo."

"Ang lalim pare ah. Hindi naman ako maglalaro eh." Totoo naman. Hahayaan ko na lang kung anong mangyayari sa aming dalawa. Just keep the flow nga diba?!

"Siguraduhin mo yan pare ah. Baka hindi lang ikaw at si Sharlene, isama mo na rin si Nash ang paglaruan." 

"Paglaruan ng alin?" Hindi ko nagegets pinagsasabi ng isang ito. May pinanghuhugutan yata?

"Paglaruan ng tadhana."

    ****

To be Continued...

Magical Downfall. (NashLene & JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon