Prologue

1.1M 27.6K 9.4K
                                    

Prologue


Nakapamaywang na ako sa harap ng tricycle habang ilang beses ko nang tinatapik ang aking napakagandang sapatos sa sobrang inip. My god! Malelate na ako sa party. Sayang lang ang make up, gown at sapatos ko kung mahuhuli lang rin ako.

"Tatay naman! Bilisan mo na! Huling huli na ako, wala na akong aabutan!" sigaw ko sa aking ama na kanina pang nag aayos ng kanyang buhok sa salamin. Bakit ba kailangan pa niyang mag ayos? Ako lang naman ang aatend ng party?

Napairap na lang ako nang nagmamadali na siyang lumabas ng bahay.

"Ang ganda ng anak ko! Mas maganda ka pa kay Cinderella!" natutuwang sabi ni tatay na inaayos ang kanyang kurbata na hindi naaayon sa kanyang suot na damit.

Papasok na sana ako sa tricycle namin nang hulihin ni tatay ang aking kamay para alalayan ako.

"Hayaan nyong alalayan ko kayo mahal na prinsesa" itinaas ko ang baba ko at hinawi ko ang aking nakalugay na buhok.

"Maraming salamat" pakikipaglaro ko sa aking tatay. Hanggang sa makapasok ako sa tricycle ay inalalayan ako ni tatay na parang isa siyang tagasunod ng prinsesa. Dapat lang talaga ako niyang alalayan, baka masabit pa ang kulay asul kong gown na nirenta pa namin kahapon mula sa pinanalunan niya sa sabong.

Sinimulan na niyang paandarin ang kanyang ilang taong tricycle na mas matanda pa sa akin. Masasabi ko na mas mabuting itapon na ito dahil mas madalas pa ito sa talyer kaysa sa mga oras na nagagamit sa kalsada. Haist.

Malaki ang pasasalamat ko at nakarating naman ako ng maluwalhati sa party ng kaibigan ko sa kabila ng tricycle na anumang oras ay nagbabadyang tumigil. Napakasaya ko ngayong gabing ito, akala ko ay hindi na ako mabibigyan ng pagkakataon na makasali sa ganitong engrandeng pagdiriwang dahil sa kakulangan ko sa mga kasuotan.



"Susunduin na lang kita mamaya" sabi sa akin ni tatay na mabilis ko namang tinanguhan.

Nagsimula na akong magtatakbo sa mataas ng hagdanan papunta sa gusaling pinagdadausan ng kasiyahan. Nginitian ko pa ang dalawang lalaking nakabihis nang pansundalo na siyang nakatanod sa pagitan ng napakalaking pintuan.



"Magandang gabi!" sabay na bati nila sa akin kasabay nang pagbubukas nila ng pintuan.

Agad sumalubong sa akin ang napakaliwanag na ilaw at masisiglang musika na siyang bumubuhay sa buong pagdiriwang. Pilit kong hindi inalis ang ngiti sa aking mga labi nang mapansin na halos lahat ng mga taong nagkakasiyahan sa ibabang bulwagan ay nakatuon ang atensyon sa akin. Ang ilan ay may mga nakaawang na bibig, nagbulung bulungan at pagtataka sa kabila ng mga maskarang nakatakip sa kanilang mga mata.

Damn, it is because I am late?

"Aurelia!" napatingin ako sa kaibigan ko na nangniningning sa kulay pula niyang gown.



"You're so beautiful! Loka hindi dyan ang daan! Come down!" bumaba na ako sa hagdanan kung saan nakaabang na ang kaibigan ko.



"My god! Is that a glass shoes?! Saan mo nabili 'yan?" tanong niya sa akin nang mapansin niya ang sapatos habang humahakbang ako.



"Hindi ko alam kay Tatay, pinag ipunan niya ito nang tatlong buwan. Birthday gift niya rin sa akin" ngumisi sa akin si Sabina.

The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon