MD #2.

3.6K 105 12
                                    

     ****

SHARLENE'S P.O.V

"Hello! You're King Aeign Zackrey Nash Victoriano Aguas, right?! I'm Sharlene Santos San Pedro! Hope you still remember me." Iniabot ko naman sa kanya yung kamay ko para makipag-shakehands. Nice move Shar! :)

Ilang segundo din niyang tinitigan yung kamay ko. Anong problema ng isang ito? Simpleng shakehands lang hindi magawa kaya ang ginawa ko na lang hinaltak ko yung kamay niya para makipag-shakehands. Pilitin daw ba 'yung tao! 

"Sige, I'll check your papers out Ms. Sharlene San Pedro!" sabi nya sa akin. 

"Wow! Ms. Sharlene San Pedro? Ang formal mo naman! Haha!" Hinampas ko siya ng mahina sa balikat. Sa totoo lang, malakas talagang hampas ang balak ko eh. Bakit ko ba hininaan? Joke! Masabihan niyo pa akong bitter. May pinagsamahan naman kami kaya ayos lang yan diba? Haha!

"Bakit? Mali ba ang pagkatawag ko sa'yo?" Kumunot ang noo niya. Wala nga namang mali pero trip ko talagang manloko ngayong araw eh. Isinuot ko yung singsing na nadukot ko sa bulsa ko sa ring finger ko at tinaas ko yun para ipakita sa kanya.

"You mean...You're married?!" I just gave him a thumbs up saka lumakad papalabas ng Council Room nila.

"Stop fooling around! Yun na yata ang imposible sa lahat ng imposible! Psh." Bigla-biglang sigaw ni Nash, malapit na ako sa pintuan eh. Well, bakit nga ba siya pa ang niloko ko? He's a genius at hindi mo siya mauuto.

"Bakit? Dahil walang lalaking magkakagusto sa akin? Haha!" Feel ko lang na kung ako si Nash, yan ang kadugtong na sasabihin ko kaya inunahan ko siya. Yan naman din ang last words na binitawan niya sa akin eh.

"Hmm. Hindi naman. Sige, baka nakakaistorbo na ako sa'yo, baka may gagawin ka pa. You may now go!" Ipagtabuyan daw ba ako? Wow, just wow! Pero ako nga din pala nagpasimuno. Atleast, napagtripan ko siya kahit papano at saka ganti na rin yan sa titigan effect niya sa akin kanina.

Pagkalabas ko ng pintuan, isang tanong lang ang pumasok sa isipan ko. Nagbago na kaya siya?  Hay! Tama na nga! I'll just stop looking back at my past and I'll try to make my present right. Yan naman kasi ang tama. 

    ****

"AQUINO FOR 3! PASOK!" Napatingin na lang ako sa lalaking naglalakad kasabay ko sa hallway. Baliw ba ang isang ito at nagkukunwaring nagbabasketball mag-isa at pipili lang ng lugar, sa hallway pa?!

Pero hindi naman talaga siya baliw, isa siyang gwapong nilalang na halos perpekto na rin kagaya ni Nash. Paano ba naman kasi pinsan niya 'to, si Jairus Aquino. Mommy ni Jairus at Daddy  ni Nash ang magkapatid. Minsan ko lang naitanong kay Nash ang tungkol kay Jairus at ang nasabi lang niya sa akin ay namatay ang both parents ni Jairus sa isang car accident. Para kasing ayaw niyang pinaguusapan si Jairus. Ewan ko ba!

"Colleen, right?!" Humarap siya bigla sa akin at ano daw? Colleen?!

"Colleen?!" 

"Mali ba ako? Edi ikaw si Pauline? Si Francine?" Binigyan ko na lang siya ng weird look. Binabawi ko na yung sinabi ko kanina na hindi siya baliw kasi baliw nga yata talaga ang isang 'to. Kung ano-ano pinagsasabi.

"Mali pa rin?! Edi Celine? Katherine? Darlene? Ano nga ba ang pangalan mo? Nakalimutan ko na eh! Ex ka ni Nash diba?!" So, yun lang pala ang pakay niya. Ang malaman ang pangalan ng ex ng pinsan niya. -_-

"Sharlene! Sharlene San Pedro!" 

"Ah, Sharlene pala. Ako pala si Jairus, Jairus Aquino." Inabot niya yung kamay niya at nag-shakehands kami. Uso yata ang shakehands ngayong araw ah. Kaso natanggal bigla yung pagkahawak ng kamay namin sa isa't-isa dahil may nagsalita sa likod namin. 

"Jai, yung bola mo!" Nabitawan niya yung bolang hawak hawak niya kasi nga nag-shakehands kami at kung sino yung nagbalik kay Jairus? Edi yung pinsan niyang si Nash.

"Ay, sorry! Salamat sa pagpulot Nash!" 

"Hanggang kailan ka ba dyan Jairus? May papasukan pa tayong first subject oh." 

"Oo nga pala. Tara na!" Lumakad na sila papaalis. Kasunod lang naman din nila ako lumakad kasi doon sa diresyon na nilalakaran nila yung gate. Lumiko na sila sa kanan at ako naman sa kaliwa kaso bigla akong tinawag ni Nash.

"Sharlene! Nga pala, starting next week halos ako o si Jairus ang kaklase mo mapa-Major at Minor subjects. May nagpapasabi lang." Saka tuluyan na nga silang nakalayo sa paningin ko.

Wow! A King and a Jack?!

    ****

To be Continued...

Magical Downfall. (NashLene & JaiLene)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt