Chapter Twenty-nine

97.9K 2.6K 207
                                    

Blue

That night was the best night I've ever had.The night we savor every moment of our pleasure. The night our kisses, became extraordinary. We upgraded. We had the best time of our lives. The night we first made love to each other.

Nagpapasalamat ako kung ano man ang nagawang maganda ng past life ko, para maranasan ko ang ganitong saya. 'Yung ganitong contentment kasama siya. But even though I'm contented having her as my wife, hindi sa mga pangarap ko para sa amin at sa mga magiging anak namin.

"Hon, How was your sleep?" gising na siya, pero hindi pa bukas ang mga mata niya. Hindi ito sumagot at tumayo atsaka dumiretso sa banyo.

Tumayo na rin ako atsaka naghanda ng agahan namin. Pagkatapos nito sa banyo ay nagpunta rin siya sa kusina na namumutla at parang nanghihina. Bigla akong nag-alala. Alas-syete pa lamang at pasikat pa lang ang araw. Hindi ko rin siya maka-usap ng maayos, dahil nakabusangot siya at parang matatae ang itsura. Mukhang masama ang pakiramdam niya.

"What's wrong, hon? May masakit ba sa'yo? Magpa-check up ka na kasi. Tara na. After breakfast aalis tayo sa ayaw at sa gusto mo." pinanghila ko siya ng upuan, para makakain na kami.

Dalawang linggo na kasi magmula nang nangyari ang gabi 'yon. Magsimula noong isang linggo ay ganito na ang pakikitungo niya sa akin. Lagi din siyang nagsusungit at laging lukot ang mukha niya.

"Hindi!" inis na sagot niya sa akin habang pinaglalaruan niya lang ang kanin at ulam na nakalagay sa plato niya.

"Oh, why, hon? Ano ba ang gusto mo? Bakit hindi mo ginagalaw 'yung pagkain mo tapos namumutla ka pa. Gusto mo ngayon na tayo pumunta sa clinic?" tanong ko rito at tumayo upang isuot ang pants ko, dahil naka boxer shorts lamang ako.

"Ewan ko! Ayoko 'to. Gusto ko 'yung ulam natin banana jam! Hay, naku. Bakit ba ang pangit ng lasa ng longganisa---" agad siyang napatayo at agad na tumakbo papunta ulit sa banyo.

Sinundan ko naman siya at nakita ko siyang nakadukdok sa bowl, habang nagsusuka. Nilapitan ko siya at hinaplos ang likod niya.

"Ayan kasi, hon.. Anu-ano ang mga kinakain mo ang wi-weird. Ayan tuloy nasira ang tiyan mo." pangangaral ko sa kaniya habang nagsusuka siya. Pagkatapos niyang magsuka ay agad siyang naghimalos sa sink at nag-toothbrush.

Hindi pa kami nakakalabas ng comfort room nang bigla siyang kumapit sa braso ko at bigla nalang siyang natumba. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Agad ko siyang binuhat papunta sa sasakyan ko at isinakay sa passenger's seat. Agad akong nagmaneho papunta sa pinakamalapit na hospital.

"Hon..." tapik ko nang bahagya sa pisngi niya. Nagbabaka-sakali na magising siya, ngunit nabigo ako. Nag-drive nalang ako.

Nang makarating ako agad akong lumabas at binuhat muli papasok ng emergency room ang asawa ko. Agad naman akong sinalubong ng mga nurses at tinulungan ako sa pagbubuhat at sinakay si Clare sa stretcher.

Hinarangan ako ng doctor nang nagtangka akong pumasok. Hindi ko alam ang gagawin ko, kaya tinawagan ko sila Mommy Tina and after three rings, she answered.

"Mommy... Si Clare po nandito po sa hospital. Nawalan po siya ng malay, kaya sinugod ko dito." mhinahon, ngunit nanginginig kong sabi.

"Sige.. Don't panic, anak. Darating na kami diyan." pinatay niya na ang call.

Ngayon ko nalang ulit naranasan ang mag-sugod ng taong mahal ko sa hospital after my mom. Kaya hindi ko alam ang gagawin ko. I have no idea kung ano ang susunod kong dapat gawin. Hindi ko maiwasang mag-over think ng mga negative thoughts..

Hindi pa umaabot ng thirty minutes ay agad ko ng naaninag ang mukha nina Mommy Tina kasama niya si Irvin habang tumatakbo palapit sa akin.

"Ano bang nangyari kay ate?" hingal na tanong ni Irvi, habang lakad-takbo silang palapit sa akin.

Nerd Noon Dyosa Ngayon (PUBLISHED)Where stories live. Discover now