Chapter Thirteen

105K 3.2K 158
                                    

Eviana

Carbonara at roasted beef ang nga pagkain na inorder. Nilalantakan ko 'yon, kahit na hiyang hiya ako kay Jaeo. Ewan ko. Dapat nga siya ang mahiya, diba? Bakit ako itong parang may kasalanan? Gosh! Nakita kaya 'yon ni Irvin, Kina at ni Coach? Ugh!

Bakit ba kasi basta basta nalang siya nanghahalik? Bakit hindi muna siya nag-papaalam? You know. Para ready ang puso ko. Crush ko, eh. Marupok tayo.

"Ehem..." pagbasag ni Coach Haley sa katahimikan.

Hay, salamat. Medyo naalis ang awkwardness sa pagitan namin ni Jaeo kanina.

"So... Clare?" tinawag niya ako sa pangalawang pangalan ko.

"I prefer to be called Evi---"

"Then do you prefer to be hurt again and again?" Napatigil ako.

"Clare, hindi habang-buhay fair ang mundo. Hindi habang buhay may kakampi ka. You need to change your vulnerable self. Improve it."

"But how---"

"Maging immune ka. Sanayin mo ang sarili mo sa sakit, pero huwag na huwag kang papayag na saktan ka nila ulit nang dahil lang sa manhid ka na."

"Paano kung mahal mo?"

"Mahal? Paano naman kung mahal mo, pero wala siyang idea kung gaano ka niya nasasaktan?" Tumulo ang luha ko.

"P-paano kung siya ang buhay ko?"

"Huwag mong idepende ang kaligayahan mo sa ibang tao. Uulitin ko, lahat iiwan tayo. Oo, tumatagal ang iba.. Pero walang mananatili."

Para akong sinampal ng malakas sa katotohanan. Natulala na lang ako at hindi nakapagsalita.

------- months later --------

Months have passed... Ilang buwan na ang nakalipas mula nang makilala ko si coach Haley.

"Ev---Clare, baby, let's eat." it was Jaeo.

Clare. 'Yan na ang bagong pangalan ko.

Eviana is dead. She's gone. Hindi lang itsura at pangalan ko ang nagbago.

Pati puso ko. Natutunan ko na 'once you're broken, you don't need to stay broken.

Dapat lumaban ka. Hindi ka paaapekto. Kung nasasaktan ka, ipakita mo na okay ka lang kahit wala siya. Para magsisi siya na pinakawalan niya ang isang tulad mong mahirap nang makuha. Ipakita mo na mas better ang wala siya. Na toxic siya at walang halaga sa buhay mo. Ipakita mo na madali siyang palitan at kalimutan.

Ilan lang 'yan sa turo ni Coach Haley.

Hindi lang siya basta coach, isa siyang motivator. Ipapa-realize niya sa'yo na hindi lang sa kaniya umiikot ang mundo mo. May mas importanteng tao, kaysa sa kaniya.

Sina Kina, Irvin, Jaeo at si Coach Haley ang nagbigay ng malaking tulong sa akin sa pag-limot sa kaniya. Kaya naging mabilis, nang dahil sa kanila.

Hindi lang pangalan ang binago ko, kung 'di pati ang buhay ko. Sa loob lang ng ilang buwan, nakitaan ako ng potential sa modelling at fashion ng isa sa mga nakahalubilo namin nina Kina sa isang party.

Ngayon, isa na ako sa mga top models ng isang kilalang clothing line dito sa States. Laging ako ang nabibigyang maging model sa isang cover ng magazine na

idini-distribute sa buong mundo. Hinding hindi ko pinagsisisihan ang anumang binago ko sa sarili ko, dahil it didn't just made me better, but I became the best version of myself.

Jaeo and I are engaged. Pumayag na ako sa gusto nila. It wasn't an easy decision, but it's for everyone's peace. Isa pa, hindi naman mahirap mahalin si Jaeo. Hangga't makakaya ko, susubukan ko siyang mahalin. Susubukan kong ibaling lahat sa kaniya ang atensyon ko...

Nerd Noon Dyosa Ngayon (PUBLISHED)Where stories live. Discover now