Chapter Eight

122K 3.9K 184
                                    


Clare

Kinuha ko ang laptop ko para mag-surf sa web. Naisipan kong buksan ang facebook ko. Ilang weeks na rin simula nang huli ko itong buksan.

Ang dami kong mga unread messages na sigurado akong ang mga laman lang ay threats, na kesyo malandi raw ako, higad, tanga, asyumera, gold digger, hayop, salot, walang kwenta at feeling maganda. Alam ko na lahat ng mga tingin nila sa akin.

They're busy judging other people, when they're not even aware of what's up with themselves. Tingin nila sa mga sarili nila, perfect. Hindi dapat pag-aksayahan ng oras ang mga taong ugaling basura, kaya nagpatuloy lang ako sa pag-scroll.
Nakaagaw naman ng atensyon ko ang message ni Jaeo.

Jaeo:

How are you? Bakit hindi ka pumasok? I waited for you. I texted you, pero mukhang hindi mo naman ata nabasa. Hope you're doing fine.

Nag-type naman ako ng reply.

Me:

Don't you worry, Jae.. I'll be fine. Yep. Hindi ako pumasok. Medyo masakit ang ulo ko, so... Thanks for the concern!

Nag flashback na naman ang mga nangyari kahapon. I lied again today about me being fine, when the truth is bawat segundong naiisip ko ang mga sinabi niya, sobrang nasasaktan ako.

That day was cursed. Masyadong masama lahat nang nangyari.

In-off ko nalang ang laptop, tsaka humiga sa kama. Hinayaan ko nalang na tumulo ang mga luha ko na hindi maubos-ubos.

-------

Nagising ako dahil sa ingay ng kotse sa baba. Ang tagal ko na palang nakatulog. Tinignan ko sa cellphone ko ang oras at alas-sais na ng gabi.

Nandito na sa bahay sina mommy, daddy at Irvin.

Ang isang araw na absent ay naging isang linggo. Sa loob ng isang linggong 'yon, wala akong ginawa kun'di umiyak, magkulong sa kwarto at kumain kapag umalis na lahat ng tao sa bahay. Tinatanong nila ako, pero hindi parin ako handing mag-open up sa kanila ng nararamdaman ko.

Isa pang problema ko ay kung paano ako kukuha ng medical certificate ng isang linggong sakit ko sa puso. Kumpara sa bigat ng loob at pakiramdam ko sa unang araw, mas magaan na ngayon. Medyo bumabalik na ang gana ko sa pagkain, pero ang puso ko, wasak parin.

Hindi na gaanong namamaga ang mga mata ko, kaya bumaba na ako para makakakain. Nadatnan ko sina Mommy at Daddy na seryosong nag-uusap sa dining area. Bigla naman akong kinabahan.

Sa sobrang seryoso nila, hindi nila napansin ang presensya ko. Nag-desisyon nalang akong umalis doon at pumunta sa sala.

In-on ko ang TV naming at kumuha ng isang slice ng pizza na nasa mesa at nag-browse ng mga channels. Bigla akong napa-hinto sa kanta na nagpe-play sa TV. Kantang nag-paiyak ulit sakin.

Where do broken hearts go...

Saan nga ba?

Malamang, kay Lord.
Si Lord ang malalapitan mo kapag masakit na. Siya lang ang hindi bibigo sa'yo. Siya lang ang hindi magkakaila at magmamahal ng tunay sa'yo.

Hindi ko nga malagay na in a relationship na kami sa facebook, eh.
Kaya, Evi... Tama na. Hindi ka na niya mahal at mas lalong hindi ka niya minahal.

Move on. Walang love na namagitan sa inyo. Ikaw lang ang nagmahal. Pinaglaruan ka lang niya. It was just a one sided love.

Move on.

Nerd Noon Dyosa Ngayon (PUBLISHED)Where stories live. Discover now