Chapter Fifteen

99.2K 3K 196
                                    

Clare


"Goodbye, Tito. Thank you for taking care of me and my brother po." I hugged Jaeo's dad.

"Hija, wala kang dapat ipagpasalamat. I see you now as my real children.." I smiled. Ang sarap sa feeling.

"'Til we meet again. See you soon po." then we waved our hands away from them.

Isang oras na ang lumipas mula nang makaalis kami sa mansion ng mga Clifford.

I will miss every part of that home. My dream home which became my temporary home. Nabigla ako nang hawakan ni Jaeo ang kamay ko. Inangkin niya ito na parang may aagaw sa akin, kaya kailangan niya itong protektahan. Akala ko ginawa niya iyon dahil gusto niya lang, but no. Na-realize ko na ginawa niya lang 'yon para ipakita sa crowd na sweet at engaged talaga kami. Again, I feel guilty. Hanggang kailan ba ako magi-guilty?

Hanggang kasama ko ba siya? Every time kasi na nasusulyapan ko siya, parang lagi akong na gi-guilty. Sabagay, sino ba naman ang hindi? Ginamit ko siya.

Ginawa ko siyang rebound. Pero anong magagawa ko? Siya ang may gusto nito. He demanded for this. He asked for this. I pushed him away, but still he insisted.

------------

Nasa airport na kami. Some well-known foreign reporters are here. Siguro, para usisahin ang sa tingin nilang love story namin ni Jaeo. Ang hindi nila alam, ang sakit.

Well, kung sino sa aming dalawa ang pinaka nasasaktan? Si Jaeo 'yon.

Nag-stop na ang sasakyan sa tapat ng main gate. Bago pa kami makababa ay pinalibutan na ng mga reporters ang sasakyan namin. Naging pahirapan tuloy ang pag-labas namin. Napagusapan din namin ni Jaeo na wala munang magsasalita sa anumang katanungan at ipakita nalang na nagmamahalan kami. 'Yun ang takbo ng kwento, eh.

Ah basta! Masyadong komplikado ang buhay ko. Sobra pa sa sobra.

Kinuha ko na ang shoulder bag ko sa upuan at binuksan na ang naka-lock na pinto ng kotse.Nauna nang lumabas sina Kina at Irvi na pumasok na sa loob at sa tingin ko ay nauna na sa eroplano. Unang lumabas si Jaeo pagkatapos ay umikot siya, kahit na maraming reporters na nakapalibot sa sasakyan para lang pag-buksan niya ako ng pinto.

I smiled. He's full of sweetness. Ayokong masanay. Wala kasing nananatili, kaya nakakatakot masanay. Baka kapag iniwan na tayo, hanap-hanapin ko siya.

Wala sana akong balak humarap sa mga reporters, pero may isang tanong akong narinig na nag-panginig ng buong sistema ko.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi. At hindi ko alam kung bakit hindi related sa amin ni Jaeo ang tanong niya.

At higit sa lahat? Paano nila nalaman?

"Miss Clare, are you truly in love with Mr. Clifford or are you still into Mr. Sown?" napabalikwas ako sa tanong na iyon galing sa isang reporter.

Nanigas at nanlamig ang buong katawan ko.

Bukod sa malamig dito, iba ang lamig ngayon. Parang bigla akong nanginig.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Si Blue pa din ba ang mahal ko? In love na ba ako kay Jaeo?

Sa ngayon, hindi ko alam. I need more time to assess my feelings. Panahon pa. Kailangan ko pa nang maramig panahon. Bago pa ako makasagot ay nagsalita si Jaeo.

"Of course, she already moved on. We're inlove with each other now. As a matter of fact, look, we're engaged." sabay taas niya sa kamay ko na may engagement ring.

Nerd Noon Dyosa Ngayon (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon