Chapter Twelve

115K 3.4K 256
                                    

Eviana

Excited akong na kikahabahang makita ang bagong look ko.

Ilan pang pag-pag ng brush ay pinapikit niya ako. Naramdaman ko na inikot niya ang upuan ko paharap sa salamin. "I'll count one to three, ah? After three doon mo palang bubuksan ang mga mata mo. No cheating, bish." Okay.

"One.. Two.. Three..." I slowly opened my eyes.

"Tadaaa!!" Shit. Sino 'to? Is this really me? No... Impossible...

Hindi sa nagfi-feeling ako, pero grabe. Ang ganda. Sobrang ganda.

Grabe. Nakakapanibago. Parang gumaan at umaliwalas ang mukha ko. Hindi na ako mukhang paa. Mukha na akong tuhod. Syempre joke 'yon.

Tumayo ako at umikot-ikot sa harap ng salamin. Pinisil-pisil ko pa ang mukha ko at sinundot-sundot, kaya tinampa ni Kina ang kamay ko.

"Gagita ka. Matatanggal ang foundation." Hindi ko naman siya pinansin. Ang galing niya. She turned me not into just a beauty, but a goddess of beauty.

I'm indeed blessed to have her as my best friend.

"Tama na ang pagfi-feeling d'yan. Kanina ka panila hinihintay sa sala. Tara na. Ang pabebe pa, eh." Sinuklay ko ang buhok kong umaalon gamit ang daliri ko, atsaka kinuha ang bag na kinuha ko doon sa walk in closet.

Kinuha ko ang cellphone at wallet ko atsaka inilagay na sa bag. Binuksan na ni Kina ang pinto at nag-lakad na kami papunta sa sala.Ano kaya ang magiging reaksyon nila?

Bigla akong na-excite. Lalo na sa magiging reaction ni Jaeo. Hindi ko alam bakit, pero mahalaga sa akin kung ano ang sasabihin niya...Baka dahil... Friend ko siya?

Para sa iba, mababaw lang 'yung makita siyang natutulog sa tabi mo habang hinihintay kang magising, pero para sa akin, para sa isang marupok na tulad ko, parang gumaan ang pakiramdam ko. Ang sarap pala sa feeling.

'Wag niyo akong sisihin sa pagiging marupok ko. Ang iba nga, mag-reply lang ang crush nila sa messenger, ngisay na sila. Ako pa kaya na inalagaan ng crush ko hanggang sa maging okay ako? Oh gosh... The heavenly feels is indescribable...

----------

Hindi nila napansin ang pagdating namin kaya nag-tago muna ako sa likod ni Kina. They are busy playing PS4. Nalungkot tuloy ako. If only tanggap ni Irvin noon na kami ni Blue, maybe they'll also bond like this--- Erase, Eviana. Tapos na 'yon.

Nakaagaw ng atensyon ang pag-ubo ng peke ni Kina. Napaharap sila sa amin.

"Oh nasaan si ate? 'Di parin ba tapos magpaka-manang? Tawagin niyo na. Wala na rin namang pag-asa." tanong ni Irvin kaya medyo nabwisit ako.

"Excuse me, Irvin.. Manang no more!" Pagkasabi ko no'n, umalis ako sa pagtatago sa likod ni Kina. Hinarap ko sila with a strong self confidence.

Flats lang dapat ang isusuot ko, pero pinili ako na mag-heels ni Kina.

Because she said there's a saying that good shoes will take you to a good place. Kaya napilitan na ako. Medyo na-convince ako sa kasabihin na 'yon.

Ngayon, dahan dahan lang ako sa pag-lakad, dahil bukod sa masakit sa paa, mahirap pala i-balance. Now I know the feeling. I salute those girls who can still slay with heels.

Mukhang hindi parin sila makapaniwala kahit na in-explain na namin ni Kina ang ginawa namin sa pagmumukha ko. Ang kaninang maiingay ay natahimik. Laglag ang mga panga at nanlambot pa si Irvin. Natawa ako nang makitang naluluha ang kapatid ko. Agad ko siyang nilapitan. "Ate, bakit ka gan'yan?"

Nerd Noon Dyosa Ngayon (PUBLISHED)Where stories live. Discover now