Chapter Ten

111K 3.2K 236
                                    

Clare

Kung dati ay mga mabababaw na bagay lang ang iniiyakan ko, ngayon kahit malalim na bagay na, hindi ko na gaanong dinidibdib. Why?

Simply because hindi lang ako ang taong nagdurusa sa mundong ito. May iba na may mas mabigat na problema kaysa sa akin, na nakaka-survive at masaya parin sa buhay. It's a matter of perspective. Look for the beauty in it.

Atleast, kahit hindi totoo, napaniwala niya ako na hindi basehan ang itsura sa pagmamahal. Walang pangit, walang maganda. Walang matalino, walang mayaman.

But it hurts to think that that was all just fantasies. All of those were just written on books at nasa mga movies lang. Life is reality.

And there's always a trick behind every magic.

Ipinapangako ko, babalik ako sa Pilipinas ng malakas at walang inu-urungan.

Many people might say that revenge is for the people who can't move on---no. Revenge is for letting them taste their own medicine. Not being evil, just being fair.

I'm not a bad person. I'm a damaged one.

A severely heart broken damaged person who was hurt by the man of my dreams...

---------------

Makalipas nang ilang minutong pagda-drama na hindi man lang napansin ng mga kasama ko na busy padin sa iniinom nilang wine, biglang huminto ang sasakyan sa malaki at mataas na gate. Matte black ang kulay nito.

Biglang bumukas ang gate nang i-scan ng isang butler ang hintuturo niya sa scanner na nasa pader ng bahay. Pumasok na siya ulit sa limousine at pinaandar muli ito.

Pag-pasok namin sa gate, napanganga ako sa sobrang laki ng bahay. Hindi na ito matatawag na bahay sa sobrang laki nito. Akala ko'y stop over lang sa tour na ginagawa namin, pero pinag-buksan kami ng pinto at pinapasok sa loob ng bahay.

May staircase ito. Kumikinang. Napaka-taas ng kisame na mayroong chandelier na nakasabit. Wow. This place is amazing. Si Kina at Irvin naman ay namangha, pero hindi kagaya nang pagka-mangha ko ngayon. Anong ginagawa namin dito?

Kung kidnapping 'tong nagaganap... Bakit ang ganda naman ata. Sobra. Kung sinuman ang nagpa-sundo sa amin, super thanks sa kanya.

Totoo nga ang sabi ni Mommy...

Nang mas nakapag-libot kami sa bahay, maraming maids ang sumalubong sa amin at binati kaming tatlo. We greeted them back with a smile. Some of them are foreigns, pero most of them are asians. Filipinas to be specific. Halata sakutis pa lang.

Weird, but bawat parte ng bahay iba ang kulay. Ang living room ay nagha-halong white at gold. Napakalinis. Samantalang ang kitchen naman is white and pastel pink and blue. Lahat. Napaka colorful ng bahay. I suddenly remember my childhood days.

This house is exactly my dream house. Pero hindi naman ito 'yung bahay na titirhan namin, kaya dapat hindi ako gaanong masiyahan.

Nang makarating kami sa dining area ay lumapit si Kina sa isang babaeng siguro'y nasa mid-forties na may katabing lalaki na siguro ay kan'yang asawa.

Kina greeted them at bumeso sa kanila like they're relatives.

Napa-tingin naman silang dalawa sa amin ni Irvin, kaya nag-iwas ako ng tingin.

'Yung tingin kasi nila is parang pinag-uusapan nila ako at parang ine-examine ang buong pag-katao ko. Parang ganun. So nakaka-awkward. Sobra.

"Irvs..." kalabit ko sakanya.

"Hmm?" sagot niya habang siya ay busy sa pag-tingin ng mga toy car collections na naka display sa bahay na'to.

"Kilala mo sila? Alam mo ba kung bakit tayo nandito? Bakit chill-chill ka lang diyan? Kabahan ka nga." sabay kurot sa tagiliran niya kaya binalingan niya ako ng tingin.

Nerd Noon Dyosa Ngayon (PUBLISHED)Where stories live. Discover now