Chapter Twenty-one

93.6K 2.8K 111
                                    

Clare

"Bumalik na kaya tayo? Baka kasi mamaya, magsilabasan pa silang lahat diyan ma-question and answer pa tayo." sabi ko at kumalas na sa pagkakayakap sa kaniya.

Ang sarap lang ng feeling na wala kang iniisip kung hindi kayong dalawa lang. Totoo nga ang kasabihan na it's okay to be selfish sometimes, pero lahat ng bagay kapag sumobra, masama. At ang masasabi ko lang, sobra na si Jaeo. Ang selfish niya for not telling me the truth.

I get it. He's scared.

But kung noon ko pa sana ito nalaman, sana hindi na ako pumayag na ma-engage kami. --- Pero hindi pa kami kasal. Ipaglalaban ko ang karapatan kong malayang pumili ng mamahalin at magiging kabiyak ko for the rest of my life.

"Favor lang, Blue?" hinarap niya naman ako.

"Pwedi bang itago nalang muna natin ito at kapag maayos na ang lahat, tsaka nalang muna tayo magsama in public?" nag-isip muna siya, pero mukhang naiintindihan naman niya ang point ko kaya tumango siya.

"As long as na alam ko na mahal mo ako, papayag ako. So please? Wag kang ma-inlove kay Jaeo. Kasi alam mo kapag nangyari 'yon, Baka makapatay ako." Grabe! Para sa akin papatay siya? Konsensya ko pa.

"Hindi, 'no. Tsaka ikaw din.. Akala mo ba hindi ko nakita yung panlalandi sa'yo nung Shannen na 'yon? Ha?" pangongompronta ko sa kaniya.

"Siya ang lumalandi."

"Nagpapalandi ka naman!" sigaw ko at kinurot ko siya.

"Ahhh. Basta! Ayokong nakikipag-harutan ka sa kaniya, ha? Kahit wala akong karapatan na magselos, tandaan mo yan!" turo ko sa kaniya.

"Ikaw rin, ah? Akala mo hindi ko alam na engaged kayo ni Jaeo? Sa oras na halikan ka niya, papatayin ko siya. Oo, hindi mo'ko laging kasama, pero para sabihin ko sa'yo, bawat galaw mo nakikita ko." tinalikuran ko na siya.

"Sige na. Papasok na ako sa hall. Baka makahalata na si Kina, ma-grounded pa ako. Bye!" umalis na ako at na-iwan siyang mag-isa roon.

Dumiretso na ako sa loob ng hall kung saan ginaganap ang party. Pagpasok ko ay amoy ng alak at usok ang sumalubong sa akin. Nakakahilo ang iba't ibang kulay ng ilaw at nakakabinging beat din ang tumutugtog. Pero biglang tumigil ang mga ito nang nagsalita ang emcee.

"Nag-eenjoy ba kayo?!" sumigaw naman ang mga tao sa ibaba.

"Kung ganoon... Tara na sa pool party!" pagkatapos niyang sabihin iyon, dali-dali nilang hinubad ang mga magagara nilang black na kasuotan, atsaka lumabas.

Pumunta ako agad sa room na pinagcheck in-an namin kanina ni Kina. Walang tao dito pagkapasok ko. Kinuha ko ang isang pares kong swimsuit sa bag at ang see through cover up atsaka ko na ini-lock ang pinto.

Hinubad ko na ang dress ko at agad na isinuot ang swim wear ko. Tignan natin kung sino ang mas better sa atin, Shannen. Lumabas na ako ng room na 'yon at pumunta na kung saan gaganapin ang pool party.

-----------------------

Blue

Galing ako sa hall, pero wala na ang mga tao. Nakapag-palit nadin ako ng shorts at nag-sando habang nakapatong ang tuwalya sa balikat ko. Sa tingin ko, lahat ng mga tao na kanina ay nasa hall, nasa pool na ngayon. Exciting ata 'yon.

Nag-lakad na ako papuntang venue. Hindi ko inaasahan ang katahimikan na nadatnan ko. Lahat ng tao ay may tila pinapanood na intense na palabas. Sinundan ko iyon ng tingin at nakita ko ang likod ni Shannen kasama ang kaisa-isa niyang kaibigan.

"So, isa ka na palang sikat na model ngayon.. Hmm.." pagsasalita ni Shannen.

Hindi ko parin alam kung sino ang ka-away niya. Hindi parin kasi nagsasalita ang nasa harapan niya. Hindi ko ito masyadong makita, dahil maraming tao.

Nerd Noon Dyosa Ngayon (PUBLISHED)Where stories live. Discover now