Chapter Nine

112K 3.5K 112
                                    

Clare

Mabilis na nagdaan ang isang gabi. Hindi ako nakatulog ng maayos. Overthinking, of course. Masyado kong iniisip kung bakit nagyayari ang lahat nang 'to.

Nagising ako sa katok mula sa pinto. It's Mom.

Mamimiss ko sila. Sobra. Lalo na 'yung kapatid ko. Hindi pa nga kami okay, kailangan ko na agad umalis. Para saan nga ulit?

Yeah, right. For the better future.

"Naka-bukas po 'yan." magalang kong sagot habang nasa harap ng vanity mirror habang nagsu-suklay at pinupunasan ang mga luhang hindi ko namalayang pumapatak na pala

Lumapit si Mommy sa akin at kinuha ang suklay sa kamay ko at siya ang nagsuklay sa akin. Naalala ko pa noong bata pa ako, lagi niyang sinu-suklayan ang buhok ko. Alagang-alaga ni Mommy. Napabayaan lang nang tumuntong ako ng highschool.

"Anak, sorry. Hindi ka naman dapat aalis, eh. Kailangan lang talaga. Anak, labag sa kalooban namin ng Daddy mo na malayo ka sa'min, pero wala kaming magawa.." Mukhang sincere talaga si mama sa pagkasabi niya no'n. Hinuli, hinawakan at hinalikan ko ang kamay ni Mommy.

"Mom, I understand. Hindi po makitid ang utak ko para isipin na hindi niyo ako mahal ni Daddy nang dahil lang dito. Bilib nga po ako, kasi ang tapang niyong dalawa na kaya niyo po na mag-sakripisyo para sa pamilya natin. Mom, paano i-let go ang taong mahalaga sa'yo?" sabay ng pag-tanong ko ay ang pag-tulo ng luha ko.

Ngumiti si mama kahit na medyo naluluha siya. Niyakap niya ako nang sobrang higpit. "Hindi basta-basta madali ang pag-let go. Una, kailangan mo munang tanggapin sa sarili mo na wala na. Tapos na. Pangalawa, you need to convince yourself that you're too precious to be hurt. Then, let go and move on. Everything and everyone has an end. Kaya dapat, ready tayo. I'm telling you these things as a mother who only want pure happiness for my precious golden daughter. Cheer up, anak..." sa haba ng sinabi ni Mommy, lahat tumatak sa isip ko.

I'm speechless.

Bago ako makapag-salita, may bumusina sa labas. Siguro'y 'yun ang maghahatid sa akin sa airport. Bumaba na ako dala ang isang malaking maleta at isang shoulder bag. Naka ripped jeans ako at longsleeves. Syempre, hindi mawawala ang makapal kong salamin. Sinakay na sa compartment ang mga gamit ko. Pinagbuksan ako ng pinto ng kotse ni Irvin.

Aysus! Nagiging sweet siya, ha? Lalo akong mahihirapang umalis nito, eh.

Pumasok na kami ni Irvin sa back seat. Kinuha ko ang cellphone ko at
in-open ang facebook account ko. Maraming nag-post sa wall ko, dahil sa isang linggong hindi ko pagpasok at balitang mag-tatransfer ako, kaya binasa ko isa-isa.

Shannen Del Moral

Bye, nerdy bitch... Huwag ka nalang bumalik. Hindi ka na belong sa Pilipinas. D'yan kana sa USA. Makipag-friends ka sa mgs kagaya mong nerd, ha? Hahahaha.

Hindi ko na 'yon pinansin, dahil habang wala ako, ang karma ang sasampal sa kaniya.

------

Ilang oras ang naging biyahe. Nakatulog ako sa pags-scroll ko facebook.

Ala-una nang umalis kami sa bahay at ngayo'y alas dos na.

Sobrang mamimiss ko din si Kina. Hindi man lang ako nakapag-paalam sa kaniya. Biglaan kasi... I just wish na nandito siya ngayon. Miss ko na rin kasi ang pang-aasar niya sa'kin, eh. Lagi niyang sinasabi sa'kin na hindi
ko kailangang tapatan si Shannen. Lalamangan ko siya.

I miss my full of fighting spirit girl.

Nag-paalam si Irvin na magc-cr siya paglabas na paglabas niya ng sasakyan. Nag-yakapan na kami nina Mommy. Lahat na ata ng paalala, sinabi na ni Daddy. Opo at tango lahat ng sinagot ko.

Nerd Noon Dyosa Ngayon (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon