Chapter Two

189K 5K 418
                                    

Eviana

HUMANAP ako ng pinakamalapit na bench at doon ako bagsak-balikat na umupo. Lumipas ang ilang mga minuto at walang gwapong nakaka-baliw na lalaki ang sumulpot sa harapan ko, kaya napanatag ang loob ko ng kaunti, pero akala ko lang pala.

Ilang minuto lang ang lumipas ay may bulaklak na sumulpot sa harapan ko at parang binuhusan ako ng malamig na tubig at finollow up ng kumukulong mantika, dahil sa ibinigay niya.

"Oh," inabutan niya ako ng isang malaking box at pagbukas ko, may laman itong bulaklak. Para kong binuhusan ng malamig na tubig.

"Ano 'to?" inikutan naman niya ako ng mata.

"Sa tingin mo ano 'yan? Buhangin siguro, 'no?" I gave him the coldest glare I could ever give to someone, but again, he coldly left without even saying a word.

First time sa buong buhay ko na makatanggap ako ng bulaklak mula sa isang lalaki. Unfortunately, pampatay pa. Twenty-five pieces na sympathy lilies ang laman ng box. Nahiya pa siya at naka-boquet pa.

-------

Binati ko ang mga staffs sa canteen at bumati naman silang lahat pabalik.

"Oh, bakit may dala kang ganiyan, Eviana? Delivery girl ka na rin ba ngayon?" gustung-gusto ko nang magpalamon sa lupa, dahil sa sinabi ng isa sa mga nagta-trabaho.

"Thankyou, ate Beng! Next time ulit." tumango naman ito at ngumiti.

Nakalabas ako habang dala-dala parin ang mga bulaklak na ibinigay ng mokong na 'yon. Dumaan ako sa likod ng canteen na ang mga staffs at ako lang ang nakaka-alam.

Walang dumadaang mga pambulikong mga sasakyan, kaya sobrang layo ng lalakarin ko. Bukod sa likod ako dumaan ay kailangan talaga ng sasakyan para mabilis na marating ang café na pinagta-trabahuan ko.

Kinausap ako nina Mommy't Daddy na 'wag nalang maging isang working-student, dahil sa dami kong ginagawa, sa dami ng mga schedules ko ay napa-pabayaan ko na ang health ko. Ang laki ng nabawas na timbang sa'kin mula nang mag-start akong mag-work habang nag-aaral. Ayoko nung una, but naisip ko na tama sila. Sinabi naman din nila sa akin na sila na ang bahala sa mga gagastusin ko sa school, kaya sa palagay ko, hindi ako mahihirapan pagdating sa pera. And today, ipapasa ko na ang resignation letter ko.

----------

Bago ako pumasok sa café na pinagta-trabahuan ko, itinasak ko muna sa mga naka-labas na flower vase ang mga bulaklak na ibinigay sa akin ng mokung na 'yon.
"Hi, Melay! Andyan na ba 'yung bagong boss natin?"

"Oo, nandun s'ya sa office, dai. Puntahan mo na baka umalis mamaya." huminga muna ako nang malalim, bago ako umakyat ng hagdan.

Sa sobrang pagmamadali ko, nabunggo ako sa pader at napahiga. Medyo nahilo ako, dahil sa lakas ng pagka-bunggo ko, pero nakakapagtaka kung bakit may mabigat na nararamdaman kong nakapatong sa'kin. Unti unti kong binubuksan ang mata ko. Na-aninag ko ang isang lalaki. Hindi ko siya gaanong ma-mukhaan, dahil nahulog kung saan ang salamin ko. Napa-tili na lamang ako at agad-agad akong tumayo at humingi ng paumanhin, dahil sa pagkakatulak ko sa kaniya.

Hinanap ko agad ang salamin ko, dahil baka hindi ko na madatnan ang boss namin. Nag-simula ko nang kapain ang salamin ko at nang makapa ko na, agad ko itong sinuot. Mas lalo ko tuloy nakita ang gwapo niyang mukha. Napaka gwapo.

"Sorry po... Gosh. Sorry po talaga."

"It's okay. I'm sorry too, miss. Where are you heading to?" pinapagpagan ang tuxedo niyang medyo nagusot at nadumihan.

"I'm rushing to the CEO's office to discuss some important matter. Can I go there now?" he gave me the you-look-familiar stare.

"Where did I see you---oh, right. You're Eviana Clare Yane Kampuchea, right?" Tanong nito kaya bahagya akong tumango.

Nerd Noon Dyosa Ngayon (PUBLISHED)Where stories live. Discover now