Si Miss Clumsy: Chapter 10 - The Crush

4.7K 56 17
  • Dedicated kay Sheila May Nool Servilla
                                    

Read read read :D

Lester’s POV

Mas magaling pa ako sa ipinakita ko ngayon.

Fifty percent pa lang effort ko. Hindi ako nagyayabang. Nagsasabi lang ng totoo.

Ramdam kong hindi gusto nila Luke na maging member ako ng varsity pero wala silang magagawa eh. Andami kayang witness.

Kaya ako sumigaw nung fourth quarter ay para ma-expose si Rin sa mga tao.

Natuwa ako kasi hindi niya napansin masyado na madaming tao ang tumingin sa kanya. Ngumiti pa nga siya sa akin eh.

Ang laki talaga ng pinagbago niya.

Pinagmasdan ko rin siya habang nakaupo siya sa bleachers. Stand out yung ganda niya sa mga nakapaligid sa kanya kahit alisin mo pa si Alicia (or Alice daw sabi ni Rin).

Gusto niyo malaman kung bakit hindi ko pinapansin si Rin nung mga nakalipas na araw?

Simple lang.

Gusto kong mamiss niya ako. Pa-effect lang.

Tinawag ni Luke lahat ng players. May practice daw kami next week. Dito rin pero hanggang 6 pm na. Next month, two times a week na ang practice namin. Dadami at dadami habang papalapit ang sports meet kung saan maglalaban laban ang mga exclusive school sa buong district.

Apat lang naman pero expect mo na lang na magiging mahirap daw ang laban kasi halos patas lang. Lahat madaming resources kaya nasa players na lang talaga.

Medyo mahaba ang speech niya.

Boring… Alam ko naman na lahat iyon.

Pinauna ko na sila Rin. Sabi ko magkita na lang ulit kami next week.

Natapos na din ang meeting sa wakas. Nakipagkilala na din ako sa ibang players at medyo maganda naman mga reaksyon nila sa akin pwera na lang yung grupo ni Captain.

Wala naman silang masamang nasabi sa akin pero yun nga, wala silang sinabi.

Si Miss Clumsy: Tripping All Over His Heart [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon