Si Miss Clumsy: Chapter 21 - Revenge

4.1K 47 4
                                    

for Daddy Idol hahahahahahahaha. nabaliw ako dahil sa AK niya XD

Lester’s POV

Day 50

Nakipagsiksikan ako sa mga studyante sa harap ng notice board. May announcement kasi. Nagrelease na daw ng schedule of activities.

Medyo binigyan naman ako ng daan. May makakapal lang ang mukha na hindi umalis sa dinaraanan ko. Tsk. Siga ba?

Tinignan ko ng mabuti yung board at mabagal na binasa.

Wala namang importante eh. Bakit ba nila pinagkakaguluhan? Nagtataka rin ako minsan sa mga estudyante dito. Parang hindi naman ako estudyante eh noh. XD

Pero may mali eh.

Luminga ako sa paligid at tinignan ko yung katabi kong babae. Parang nagpanic nang makita akong nakatingin ako sa kanya. Napangiti ako kasi naalala ko si Rin. Tsk. Napangiti yung girl! XD

“Miss, ano bang tinitignan nilo dito?” tanong ko sa kanya.

“Ah. Um. Yung.” Nagstammer pa siya. Miss, dali, maikli lang pasensya ko.Tapos nagsigh siya at itinuro na alng yung isang note sa gilid. Handwritten siya at hindi official na notice. Nilapitan ko. Nandun karamihan ng students at kailang ko ng makipagbakbakan.

Nang makita ko yung note eh nawala yung ngiti sa labi ko. Hindi naman ako siguro affected dun pero nakakabigla lang, nakakataas ng balahibo. Subukan niyong tanuning kung sang balahibo at makakatikim kayo ng batok. Haha.

“Luke Buenaventura. May dalawang linggo ka para umalis sa school na ito. Gagawin naming impyerno ang lahat ng nalalabi mong araw sa paaralang ito umasa ka na alng na idadamay natin lahat ng kaibigan mo. –8Force”

Yun yung nakasulat sa note. Who the hell would name their gang 8Force? Ang stupid nga eh. Seryoso ba mga ito? Umiling na lang ako. Naghanap ng matatanungan. Lumingon ulit ako sa katabi ko.

“Miss, sino ‘tong 8Force na ito?” Tanong ko.

Tsk. Mabubulol rin itong isang toh eh. “Ah. Eh. Si-sila yung grupo po nila Andrew Milano. W-walo sila kaya 8Force.”

“Sila ba yung nakaaway ni Luke noon?” Tanong ko ulit.

Si Miss Clumsy: Tripping All Over His Heart [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon