Si Miss Clumsy: Chapter 22 - 2nd and 3rd

3.9K 39 3
  • Dedicated kay Alaissa Torres Remocal
                                    

Lester’s POV

 

Nakakainis naman talaga ang mga taong walang magawang tama sa buhay! Pati ba naman kotse ko idamay?! Sana ako na lang eh. Mas carry ko pa. Bago pa naman yun…

Buti na rin lang  pumunta ako ng rooftop kahit hindi ko masyadong feel na makita si Rin at kahit na sinong tao ngayon. Niyakap pa niya ako saglit kaya parang nawala na yung galit ko sa korning 8Force na yun.

Katext ko si Michelle kagabi. Nagtatanong kung okay lang daw ba ako. Sinabi ko na lang na oo. Sa sobrang inis ko eh nasungitan ko pa siya kagabi. Nagsorry na lang ako pagkatapos at nagpromise na babawi next time. Syempre, sinuyo ko na naman at sinabing wala siyang kasalanan sa mga nangyayari.

Hindi ako nakinig sa mga teacher namin. Kelan pa ba ako nakinig? Nakikinig rin naman ako sa mga turo nila kahit papaano noh. Mabilis lang kasi ako madistract.

Iniisip ko kung anong kalokohan na naman ang gagawin nung 8Force. Tapos yung banta nila… subukan nilang mandamay ng iba… lalo na sa Rin at makikita nila ang galit ko.

Kanina, dumaan ako sa notice board. May note na naman.

“Day 1 – Enjoy mo ang free repainting ng car mo. Stay tuned.”

Siyempre madami na naman tao dun. All eyes on me na naman.

Umalis na lang ako kahit gusto kong pagsisipain yung notice board.

Lunch…

Kasama ko ang barkada at si Michelle. Hindi siya masyadong nagsasalita pero okay lang yun. Wala rin naman ako sa mood makipagkwentuhan eh.

“Resbak mode na ba tayo tol?” tanong ni Liam.

“Wag muna. Yung kotse pa lang naman eh saka paint lang yun. Mura lang magparepaint.”

Actually hindi siya mura pero hayaan niyo na. hehe.

Inakbayan ko si Michelle. Kailangan ko ng mahuhugutan ng lakas eh. Hinalikan ko na rin siya sa noo. Sana huwag niyong masamain pero naiimagine kong siya si Rin ngayon.

At dahil neighbors ko lang ang barkada, makikisakay ako kay Herbert. Siya kasi pinakamalapit sa amin eh. Ihahatid na rin namin si Michelle.

Si Miss Clumsy: Tripping All Over His Heart [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon