Si Miss Clumsy: Chapter 5 - The Girl and the Boy Next Door

5.1K 65 20
  • Dedicated kay Audrey Linette Razon
                                    

(Hey Guys! Here is the Chapter 5 of my story. Enjoy and comment your reactions! Pic on the right is Kuya Vincent.)

Luke’s POV

So may transferee. Fil-am. Hot, sexy, maganda. And her name is Alicia Araneta.

Nakangiti si Cezarine. First time ko siya nakitang nakangiti. Sabagay, two days pa lang naman kami dito sa school. Tomboy ba siya? Tumingin ako sa paligid ko, halos lahat nakangiti eh.

Nahypnotize kay amerikana? Aba, wala effects powers niya sa akin.

Tapos kukunin pa niya upuan ko? No way! Ayan, tuloy, pahiya siya. Sorry naman.

Kumuha na lang ako ng upuan para sa kanya. Gusto kong katabi itong si weirdo eh.

Tapos dahil inis pa ako kay amerikana, napabulong ako. Hindi ko naman ineexpect na marinig ni weirdo eh.

Himala… Nagsalita siya!

Hindi pa rin siya nakatingin. Kaya siguro clumsy siya kasi sa baba lang siya lagi nakatingin.

Hindi ko narinig masyado sinabi niya saka English eh. Letse! >_<

“May sinabi ka Cezarine Isabel Millo?”

Umiling lang siya. Natakot ata sa akin. Mukha ba akong monster?

Hindi naman siguro. Gwapo ako noh.

Nasa EatSumo na naman kami ng barkada nang may dumating na tatlo at isa dun si Cezarine at isa rin dun si Alicia Araneta. Yung isang lalake, hindi ko kilala pero napatingin mga babae sa kanya na parang kinikilig.

“Dude! Siya yung sinasabi kong nagnakaw ng thunder natin!” sabi ni Liam.

Si Miss Clumsy: Tripping All Over His Heart [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon